Tagalog News: Makati City, hinihikayat ang mga senior citizens na magparehistro para sa COVID-19 vaccine

Kuha ni Mayor Abby Binay kasama ang ilang residenteng senior citizen bago pa nakapasok ang sakit na COVID-19 sa bansa. (PIA NCR file) 

LUNGSOD PASIG, Marso 30 (PIA) -- Hinihikayat ng Pamahalaang Lungsod ng Makati ang mga residenteng senior citizens na magparehistro para as bakuna kontra COVID-19.

Ayon sa pamahalaang lungsod, maaaring magparehistro ang mga sumusunod:

  • Senior with Makatizen Card
  • Senior with Blu Card
  • Senior with Yellow Card
  • Senior with White Card
  • Senior – Registered Makati Voter; No Makatizen Card, No Blu Card, No Yellow Card, No White Card

Bisitahin lamang ang https://ift.tt/2PJCniD i-click ang COVID-19 vaccination icon. Para naman sa mga nawala o walang access sa Makatizen Card, Blu Card, Yellow Card o White Card, piliin lamang ang item na E sa registration portal.

Para naman sa mga seniors na walang computer o cellphone, mangyaring hintayin ang DYIP NI MAKI na pupunta sa mga barangay.

Kung may mga katanungan maaring mag message sa MyMakati FB page  https://www.facebook.com/MyMakatiVerified  o tumawag sa MSWD Helplines.

Magugunitang sinabi ng isang opisyal ng Department of Health na hindi na umano kailangan ng clearance mula sa doktor upang magpabakuna ang isang nakatatanda maliban na lang kung ang senior citizen ay may sakit tulad ng HIV, sumasailalim sa chemotherapy at may cancer o in remission.

“Seniors with hypertension, diabetes, heart disease, kidney disease, kahit nagdadialysis pwedeng bakunahan at dapat bakunahan,” ani Dr. Shelley dela Vega, direktor ng Institute on Aging ng National Institutes of Health ng Unibersidad ng Pilipinas. (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments