LUNGSOD NG KIDAPAWAN, Lalawigan ng North Cotabato, Mayo 1 (PIA)-- Sumailalim ang mga designated health education and promotion officer (HEPO) at mga representative nito ng ilang mga Rural Health Unit sa lalawigan sa oryentasyon hinggil sa public engagement.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Department of Health-Center for Health Development SOCCSKSARGEN Region, katuwang ang Philippine Information Agency XII. Partikular na tinalakay sa oryentasyon ang public engagement gamit ang tri-media platforms.
Ayon kay Arjohn Gangoso, tagapagsalita ng DOH-CHD XII, layon din ng aktibidad na mabigyan ng dagdag na kaalaman ang mga HEPO pagdating sa audience and message mapping sa kanilang communication plan, maging sa pagsusulat ng balita, at paggamit ng kani-kanilang official social media accounts. Sa pamamagitan nito, sinabi ni Gangoso na mapalalakas ang paghahatid ng impormasyon hinggil sa health promotion at illness prevention sa mga lokal na pamahalaan.
Nabatid na kaparehong aktibidad din ang ginanap para sa mga HEPO sa iba’t-ibang lalawigan sa rehiyon.
Samantala, ngayong Mayo, magkakaroon naman ng pagpupulong ang DOH-CHD XII sa mga kagawad ng media, DOH Human Resource for Health, at mga hospital HEPO. Tatalakayin sa aktibidad ang COVID-19 vaccination communication and demand generation. (PIA Cotabato Province)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments