LUNGSOD PASIG, Abril 3 (PIA) -- Mananatiling suspendido ang pagpapatupad ng Unified Vehicular Volume Reduction Program o Number Coding Scheme sa Metro Manila hanggang kinakailangan.
Sa opisyal na Facebook page ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), inihayag ng ahensya ang patuloy na suspensyon ng pagpapatupad ng number coding scheme ngayong buwan ng Abril.
"The number coding scheme implemented by the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) remains suspended during the month of April," ayon sa ahensya.
Kabilang sa ikinonsidera ng MMDA, sa pagpapatupad ng suspensiyon ay ang kasalukuyang limitadong bilang ng mga pampublikong sasakyan.
Gayundin, kasama sa desisyon ng ahensya ang umiiral na enhanced community quarantine o ECQ sa Kamaynilaan dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.
"While ECQ is being implemented in Greater Metro Manila Area, avoid non-essential travel. Stay home and follow public health protocols to protect yourself, family and your community against COVID-19."
Samantala, upang magbigay-tulong sa mga mga essential workers na papunta at pauwi sa kanilang mga tahanan, ang Department of Transportation, Joint Task Force NCR at National Capital Region Police Office ay naghandog din ng mga libreng sakay sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.
Paalala rin ng MMDA sa publiko na kung maaari ay iwasan ang non-essential travel at manatili sa mga tahanan. Patuloy ding sundin ang public health protocols laban sa COVID-19. (PIA NCR)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments