FEATURE: Alamin ang ‘Tamang Panahon’ ng pagtatanim ng gulay

PASIG CITY (PIA) -- May kasabihan nga na lahat ng bagay ay may tamang panahon. Ngunit, alam niyo ba na maging sa pagtatanim ng gulay ay may tamang panahon din? 

Mahalaga ang pagtatanim ng gulay na tumutulong sa food security ng bansa lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Ayon sa Kagawaran ng Pagsasaka, sa Pilipinas ay mayroon tayong dalawang panahon sa buong taon, ang tag-init at tag-ulan. Para sa gustong magtanim ng gulay, sa bukid man o sa paligid ng bahay, mahalagang malaman ang nauukol na panahon o klima at kung anong klase ng gulay ang mabuting itanim sa panahong iyon.

Narito ang kalendaryo ng pagtatanim ng gulay mula Enero hanggang Disyembre.

  • JANUARY: Ampalaya, Kamote, Sayote, Talong, Letsugas, Kabute, Okra, Patola, Petsay, Sili, Talinum, Kamatis, Upo, Mustasa, Koliplawer, Sibuyas, Repolyo, at Mongo

 

  • FEBRUARY: Ampalaya, Kamote, Sayote, Talong, Letsugas, Kabute, Petsay, Sigarilyas, Kalabasa, Talinum, at Mongo

 

  • MARCH: Ampalaya, Kamote, Sayote, Talong, Letsugas, Kabute, Petsay, Talinum, at Kamatis

 

  • APRIL: Ampalaya, Kamote, Talong, Letsugas, Kabute, Okra, Patani, Petsay, Sili, Sigarilyas, Kalabasa, Talinum, at Mongo

 

  • MAY: Ampalaya, Bataw, Kamote, Sayote, Talong, Letsugas, Kabute, Okra, Patani, Patola, Petsay, Sili, Sigarilyas, Sitaw, Kalabasa, Talinum, at Mongo

 

  • JUNE: Ampalaya, Bataw, Sayote, Talong, Letsugas, Kabute, Patani, Patola, Petsay, Sili, Sitaw, Kalabasa, Talinum, Okra, Munggo, at Sigarilyas

 

  • JULY: Ampalaya, Kamote, Talong, Kabute, at Talinum

 

  • AUGUST: Ampalaya, Kamote, Talong, Kabute, at Talinum

 

  • SEPTEMBER: Ampalaya, Kamote, Sayote, Talong, Letsugas, Kabute, Patola, Petsay, Sili, Sigarilyas, Sitaw, Talinum, Kamatis, Upo, at Mongo
  • OCTOBER: Ampalaya, Kamote, Sayote, Talong, Letsugas, Kabute, Patola, Petsay, Sili, Sigarilyas, Sitaw, Talinum, Kamatis, Upo, at Mongo 

 

  • NOVEMBER: Ampalaya, Kamote, Sayote, Talong, Letsugas, Kabute, Patola, Petsay, Sili, Sigarilyas, Sitaw, Talinum, Kamatis, Upo, at Mongo

 

  • DECEMBER: Ampalaya, Kamote, Sayote, Talong, Letsugas, Kabute, Patola, Petsay, Sili, Sigarilyas, Sitaw, Talinum, Kamatis, Upo, at Mongo

 

Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang https://bit.ly/3t3YwWV

Ang Kagawaran ng Pagsasaka ay patuloy ding pinapalakas ang 'Plant, Plant, Plant' campaign sa pamamagitan ng urban agriculture sa Metro Manila upang paigtingin ang community farming sa mga bakanteng lugar sa iba't ibang komunidad.

Ngayong buwan ng Mayo, ating ipinagdiriwang ang Buwan ng Magsasaka at Mangingisada.

 

Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “May pandemya man o wala, Magsasaka’t Mangingisda maaasahan ng bansa.” (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments