Tagalog News: Bakunang Pfizer kontra COVID-19, sinimulan nang gamitin sa Makati

Sinimulan na ng Makati City Government ang pag-rollout ng Pfizer vaccine sa Makati Medical Center nitong Miyerkules, May 12. Naunang nakatanggap ang Makati ng inisyal na 5,800 dosis ng Pfizer vaccine mula sa Pamahalaang Nasyunal . (Kuha mula sa Makati PIO)

LUNGSOD CALOOCAN, Mayo 13 (PIA) -- Nagsimula nang magbakuna ang Pamahalaang Lungsod ng Makati ng Pfizer-BioNTech vaccine kontra COVID-19 sa mga residente nito sa Makati Medical Center (MMC) simula nitong Miyerkules, ika-12 ng Mayo.

Ang pagbabakuna ay isinasagawa sa Auditorium sa ika-8 palapag ng MMC Tower 2.

Sa isang online forum, sinabi ni Mayor Abigail “Abby” Binay na ang MMC ay maaaring magpasok ng 400 hanggang 500 indibidwal bawat araw.

Sinabi niya na ang Kagawaran ng Kalusugan (DOH) ay nagbigay sa lungsod ng 5 araw na deadline upang maibigay ang mga bakunang Pfizer.

"So dapat po by Sunday matapos na namin [ang pagbibigay ng lahat ng bakunang Pfizer]," aniya.

Ang Makati LGU ay kasama sa mga nakatanggap ng 5,000 Pfizer vaccine mula sa pambansang pamahalaan.

Hanggang Mayo 1, may kabuuang 36,514 indibidwal ang nabakunahan sa Lungsod Makati. (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments