LUNGSOD PASIG, Mayo 11 (PIA) -- Patuloy ang pagbibigay ng libreng sakay ng Community Affairs Section NG Eastern Police District (EPD) para sa publiko.
Ayon sa EPD, ang libreng sakay ay naglalayong matulungan ang mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng limitadong transportasyon kaugnay nang ipinapatupad na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila upang maiwasan ang pagkalat ng sakit dulot ng COVID-19.
Ang libreng sakay ay nagsismula ng 10 a.m., mula EDSA Shaw Boulevard hanggang Pasig Palengke.
Kaugnay nito, ang mga kapulisan ay namamahagi rin ng mga facemasks at faceshields, at bottled water sa mga pasahero.
Gayundin, mga namimigay ito ng mga babasahin na naglalaman ng mga impormasyon upang makaiwas sa COVID-19, laban sa terorismo, at mga modus operanding laganap sa daan. (PIA NCR)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

0 Comments