Tagalog News: Mag-update ng GCash number sa Makati online portal

PASIG CITY, Mayo 30 (PIA) -- Magandang balita! Maaari nang makapag-update ng GCash number sa pamamagitan ng online portal ng Lungsod Makati.

Sa isang abiso, pumunta lamang sa https://proudmakatizen.com/ at i-click ang Ayuda Makati icon.

Pagkatapos, maaari nang i-update ang inyong GCash number sa pamamagitan ng paglagay ng inyong apelyido at lumang numero ng inyong GCash.

Ang proudmakatizen.com ay one-stop online portal ng Pamahalaang Lungsod ng Makati kung saan maaari ring makapagpa rehistro para sa COVID-19 vaccination program ng lungsod, pneumonia vaccination, ayuda number update, at maging sa business permit renewal at business and real property tax payments. (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments