Tagalog News: Mga beauty salons, nail spas pwede nang magbukas ngayong MECQ

LUNGSOD PASIG, Mayo 2 (PIA) -- Maaarin nang magbukas muli ang mga mga beauty salons, beauty parlors, barbershops at mga nail spas sa mga lugar na nasa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Sa ginanap na Public Briefing nitong Biyernes, ibinahagi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pinayagan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang muling pagbubukas ng mga nabanggit na establisyemento na nasa ilalim ng personal care services.

Ayon kay Secretary Roque, pinapayagan ang mga personal care services na mag operate sa loob ng 30 porsiyento (30%) venue o seating capacity.

Kinakailangan nakasuot ng face mask sa lahat ng oras ang mga kliyente o parokyano at service providers,” paliwanag ni Roque.

Dagdag pa niya na maaari ring tumaas sa 30% venue o seating capacity ang mga personal care establishments kung ang mga ito ay sumusunod sa safety seal ng certification program. (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments