Tagalog News: Mga nabakunahan sa Pasig, mahigit 35,000 na

LUNGSOD PASIG, Mayo 5 (PIA) -- Umabot na sa mahigit 35,000 ang nabakunahan kontra COVID-19 sa Lungsod Pasig. 

We have hit the 35,000 mark for 1st dose vaccinations,” ibinahagi ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa kaniyang Facebook page.

Batay sa datos ng lungsod, umabot sa 37,653 ang na deploy na mga bakuna, kung saan 34,462 ang kabuuang bilang ng mga nabakunahan ng unang dose mula sa A1, A2 at A3 groups. Para sa ikalawang dose, umabot naman sa 3,191 ang nakakuha nito mula sa A1 at A3 groups.

Samantala, muling paalala ni Mayor Vico sa mga magpapabakuna na pumunta sa takdang oras.

Pumunta po tayo sa takdang oras at WAG PO MASYADONG MAAGA sa appointment (para manatiling maluwag ang venue). Kung 10–11 a.m. ang window na tinext sa inyo, kahit past 10 a.m. dumating, ok lang. Kung may appointment, pumunta po tayo.. sayang ang slot.”

Dagdag pa niya na hindi muna magbubukas ng panibagong vaccination site hanggat wala pang dumarating na maraming suplay ng bakuna.

Nirereserba rin natin ang para sa Sinovac 2nd dose kasi 1 buwan lang dapat ang pagitan ng 1st at 2nd dose (better to be safe.)

Paalala rin ni Sotto na tumawag sa kanilang hotline kung sakaling wala pang natatanggap na text.

Maayos ang takbo ng registration natin, pero maaaring may error o pagkakamali gaya ng maling phone number. Kung wala pang natatanggap na text at ILAN LINGGO NA ANG NAKALIPAS mula nung nag-update ng profile, pls call our hotline. #72744 (PLDT/Smart/TNT/Sun) or 86430000.” (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments