Tagalog News: Nabakunahan sa Pasig kontra COVID mahigit 53,000 na

LUNGSOD PASIG CITY, Mayo 18 (PIA) -- Umabot na sa mahigit 53,000 ang nabakunahan sa Lungsod Pasig kontra COVID-19. 

Ang pagbisita ng mga opisyal ng DOH sa Pasig City kamakailan lang. (Mga kuha mula sa Pasig City)

Sa kaniyang Facebook Live update nitong Lunes, ibinahagi ni Pasig City Mayor Vico Sotto na mahigit 53,000 na ang nabakunahan sa lungsod para sa unang dose at ilang libo naman para sa second dose.

Ang vaccination rollout ng lungsod ay isinasagawa sa anim na vaccination sites.

Paalala rin ni Mayor Sotto sa mga magpapabakuna na pumunta sa itinakdang oras.

Dagdag pa ng punong lungsod na inaayos na rin ng city vaccination team na mas mapaaga ang pag text ng iskedyul sa mga nagparehistro.

Samantala, binisita rin ng mga kawani ng Department of Health (DOH) kamakailan ang lungsod upang tingnan ang kapasidad at proseso sa pangangasiwa sa bakuna na gawa ng Pfizer.

Para sa updates, bisitahin lamang ang Pasig City Public Information Office Facebook page https://www.facebook.com/PasigPIO. (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments