Tagalog News: P169.6M halaga ng insentibo sa Service Contracting Program naipamahagi na ng DOTr, LTFRB sa mga tsuper

Ilang tradisyunal na PUJ driver ang sumali sa service contracting program ng DOTr at LTFRB. (LTFRB Facebook Page)

LUNGSOD CALOOCAN, Mayo 9 (PIA) -- Umabot na sa P169.6-milyon na halaga ng payout ang naipamahagi ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga tsuper ng pampublikong sasakyan na sumali sa Service Contracting Program.

Ipinagbibigay alam din ng LTFRB na ang mga PUV driver na nakasali sa programa mula noong nakaraang taon hanggang ika-30 ng Abril 2021 ay makakatanggap ng one-time incentive na P25,000. Kung ang PUV driver naman ay mao-onboard mula ika-1 ng Mayo hanggang ika-15 ng Hunyo 2021, P20,000 ang kanyang matatanggap na one-time incentive.

Bukod pa rito, maaring makatanggap ng dagdag na P7,000 ang mga PUV drivers na kasali sa programa kung sila ay maglolog-in sa Systems App ng limang (5) araw sa loob ng isang linggo.

Paalala sa mga drayber— Huwag kalimutang mag log-in sa LTFRB Driver App tuwing namamasada para makakuha pa ng additional weekly payout. Maaari itong i-download mula sa https://ift.tt/38ZNJX5 gamit ang Android phone.

Regular na bisitahin ang LTFRB Official Facebook page para sa mga karagdagang impormasyon na ilalabas, patungkol sa Service Contracting Program sa mga susunod na araw. Para naman sa mga karagdagang katanungan, maaring tumawag sa LTFRB Program Implementing Unit Office - (02) 8529 - 7111 loc 845 o sa LTFRB 24/7 Hotline: 1342.

Lubos ang pasasalamat ng DOTr at LTFRB sa malasakit at serbisyo na inihahatid ng mga driver para sa ating mga commuter. (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments