LUNGSOD CALOOCAN, Mayo 18 (PIA) -- Nasa P322.4-milyong halaga ng payout ang naipamahagi na ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga tsuper ng pampublikong sasakyan na kasali sa Service Contracting Program nitong Lunes, ika-17 ng Mayo.
Kasama sa kabuuang halaga ng payout na naibigay sa bawat drayber sa ilalim ng programa ang initial payout na P4,000, weekly payout, at one-time incentive.
Ipinagbibigay alam din ng LTFRB na ang mga PUV driver na nakasali sa programa mula noong nakaraang taon hanggang ika-30 ng Abril 2021 ay makakatanggap ng one-time incentive na P25,000.
Kung ang PUV driver naman ay mao-onboard mula ika-1 ng Mayo hanggang ika-15 ng Hunyo 2021, P20,000 ang kanyang matatanggap na one-time incentive.
Sa huling tala ng LTFRB, 12,315 drivers na ang nakakuha ng initial payout at 3,006 drivers naman ang nakatanggap na ng kanilang 25K onboarding incentive sa buong bansa.
Bukod pa rito, maaring makatanggap ng dagdag na P7,000 ang mga PUV drivers na kasali sa programa kung sila ay maglolog-in sa Systems App ng limang (5) araw sa loob ng isang linggo.
Paalala sa mga drayber— Huwag kalimutang mag log-in sa LTFRB Driver App tuwing namamasada para makakuha pa ng additional weekly payout.
Maaari itong i-download mula sa https://go.sakay.ph/driver gamit ang Android phone.
Maaaring magrehistro ang interesadong driver na bukas na ang ruta ngayong pandemya sa pamamagitan ng link na ito: www.servicecontracting.ph.
Upang magsilbing gabay sa pag rehistro sa programa, maaari lamang ay panoorin ang video na ito: www.bit.ly/SCInfomercialVideo.
Regular na bisitahin ang LTFRB Official Facebook page para sa mga karagdagang impormasyon na ilalabas, patungkol sa Service Contracting Program sa mga susunod na araw.
Para naman sa mga karagdagang katanungan, maaring tumawag sa LTFRB Program Implementing Unit Office - (02) 8529 - 7111 loc 845 o sa LTFRB 24/7 Hotline: 1342.
Lubos ang pasasalamat ng DOTr at LTFRB sa malasakit at serbisyo na inihahatid ng mga driver para sa ating mga commuter. (PIA NCR)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments