Tagalog News: Mahigit 100,000 katao nabakunahan sa Taguig kontra COVID-19

Iginawad ni Mayor Lino Cayetano (pangalawa sa kaliwa) ang safety seal certification sa SM Aura. (Taguig PIO)

LUNGSOD PARAÑAQUE, Hunyo 7 (PIA) -- Lagpas 100,000 na indibidwal ang nabakunahan na sa Lungsod Taguig kontra COVID-19, ayon sa pinakahuling tala ng lokal na pamahalaan.

Umabot sa eksaktong 100,000 ang nabakunahan nitong Biyernes matapos maabot ang 99,514 na na-deploy na vaccine first dose noong ika-2 ng Hunyo.

Kabuuang 28,074 na indibidwal ang nakatanggap din ng kanilang pangalawang dosis ng bakuna laban sa COVID-19.

Bukod dito, kamakailan lamang ay inilunsad ng pamahalaang lungsod ang vaccination bus upang maabot ang mas maraming tao at makamit ang vaccination target na 680,000 residente sa pagtatapos ng taon.

Sa pinakahuling tala, ang Taguig ay mayroong 26,510 confirmed COVID-19 cases kabilang ang 25,820 recoveries at 259 deaths. Mayroon na ngayong 431 mga aktibong kaso ang siyudad.

Samantala, inilunsad ng pamahalaang lungsod ang programang Pangkaligtasang Seal Certification bilang bahagi ng pagbubukas ng ekonomiya.

Sa pamamagitan nito, maipagpapatuloy ng mga mamamayan ang kanilang kabuhayan, pumunta sa kanilang place of work, at iba pang mga establisimiyento na sumusunod sa minimum public health standards.

Inihayag ni Mayor Lino Cayetano ang safety seal sa isang awarding ceremony nitong Huwebes kung saan ang SM SM Aura at iba pang mga establisimiyento sa Bonifacio High Street ang unang nakatanggap ng Safety Seal Certification mula sa lokal na pamahalaan.

Ayon naman kay Atty. Si Clarence Santos, kasalukuyang pinuno ng Safe City Task Force, umabot na sa kabuuang 104 na mga establisyemento ang nakatanggap na ng kanilang safety seal certification at itinuring na "compliant" sa mga alituntunin bago ang naturang seremonya.

The rolling out of the safety seal here in the city of Taguig is really to instill confidence sa mga kababayan natin na hand-in-hand ang government at ang private sector, working together,” sabi ni Cayetano.

Ang isang establisyemento na tatanggap ng safety seal mula sa Pamahalaang Lungsod ng Taguig ay makatatanggap din ng iba pang mga benepisyo mula sa lokal na pamahalaan.

Sinabi ng alkalde na ang mga empleyado ng mga establisyentong ito ay isasailalim sa libreng regular na COVID-19 testing. (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments