LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Mayo 1 (PIA)-- Mayroong mga Antipoleño na nagsauli kamakailan ng SAC forms sa pamahalaang panlungsod ayon kay Mayor Andrea Ynares.
"Madami pa pong nagsauli ngayon araw (Abril 28) ng SAC forms. Iba-iba ang dahilan. Kalahati ay hindi daw nila alam na hindi pala sila qualified at ngayon lang nalaman. May iba naman na inaming sinubukan nilang makalusot pero nung nag post tayo sa FB, natakot daw makasuhan," ayon sa alkalde na pinuri ang mga mamayang naging matapat.
Dagdag ni Mayor Ynares na Ibibigay ang mga ibinalik na SAC forms sa DSWD upang maibigay sa mga beneficiaries na kwalipikado sa kanilang mga panuntunan.
Mayroon ring magaganap na double checking kung sakali mang may mga makalampas na benepisyaryong hindi pasado sa panuntunan. Aniya ay kung makalusot man sa pay-out ay siguradong iisa-isahin pa rin ang pag-sala sa bawat beneficiary kahit tapos na ang unang pay-out.
Babala rin ng mga alkalde na ang mahuhuling tumanggap ng P6,500 na hindi dapat, ay bibigyang-pansin kasama ang social worker o barangay official na nagbigay ng SAC form.
"Kaya pinapayuhan po ang mga indibidwal na hindi qualified na huwag niyo na pong subukan kunin ang P6,500 at ibalik nalang ang SAC form anytime sa inyong barangay at hayaan ang mga intended beneficiaries AYON sa DSWD guidelines ang makinabang," aniya.
Dagdag ng alkalde na bagama't lahat ay apektado sa krisis na dala ng COVID-19, kasalukuyang nangangalap ng maaring pagkunan ng pondo para sa mga hindi maaayudahan ng DSWD sa pamamagitan ng SAP. (PIA Rizal may ulat mula sa Jun-Andeng Ynares Official Facebook Page)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments