Tagalog News: Pagpapatupad ng ECQ color coding scheme sa Butuan nakatulong sa pagbaba ng krimen - PNP

LUNGSOD NG BUTUAN, Abril 27 (PIA) -- Bumaba ang naitatalang krimen habang ipinapatupad ang color coding scheme dito sa lungsod dahil  maayos na operasyon at koordinasyon ng mga station commanders ng limang police stations dito.

Ayon kay Butuan City Police Office city director PCol. Canilo Agua Fuentes, regular na sinusuri ng pulisya kasama ang task force bantay Butuan ang mga daan upang masiguro na ang mga tamang tao lamang ang nasa lansangan sa ayon na din sa hawak nitong quarantine pass color coding.

“Malaking tulong and pagpapatupad ng color coding scheme dahil madaling malaman kung saang lugar nakatira ang mga taong nasa lansangan," dagdag pa ni PCol. Fuentes.

Laking pasalamat naman ni Nilo Latonio, isang Barangay Tanod ng Villa Kananga, dahil mas mapadali din ang kanilang trabaho at kaunti na ang mga taong nasa lansangan, at madali din na ma-identify ang mga ito.

Ang maayos na implementasyon ng color coding scheme ay nakatulong din na bumaba ang krimen sa lungsod at maipatupad ang social distancing. Malaki din ang papel ng mga punong barangay sa pagdidisiplina sa mga lumabag sa color coding scheme at curfew hours, dahil sila mismo ang susundo sa mga ito sa presento ng kapulisan. Itatala ang mga lumabag sa kani-kanilang mga barangay at sila ay magbibigay ng community service.

Patuloy na ipinapanawagan ng mga otoridad na manatili sa bahay upang matulongan ang  mga frontliners na mahinto ang transmission ng COVID-19. (NCLM/PIA Agusan del Norte)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments