LUNGSOD PASIG, Mayo 20 (PIA) – Naglunsad ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig ng online finder kung saan maaring alamin ng kanilang mga residente kung sila ay kabilang sa makakatanggap ng ayuda sa ilalim ng Pasig Supplemental Social Ameliolation Program.
"Upang malaman kung kasama sa listahan, maaaring bisitahin ang sap-pasig.com," pahayag ng Pasig City Public Information Office.
Ayon sa Pasig PIO, ang mga wala sa listahan ay maaaring mag-rehistro upang maisama sa Pasig Supplemental SAP.
Sinabi pa nito na hindi na kailangang pumunta sa city hall o di kaya ay magpalista kung kanino man dahil sa online platform ay maaaring magregister kung wala sa database.
Paalala rin ng pamahalaang lungsod na ang lahat nang nakatanggap ng SAP mula sa national government ay hindi na isasama sa listahan ng Pasig Supplemental SAP.
Sinimulan ng pamahalaang lungsod nitong Mayo ang pamamahagi ng Pasig City supplemental SAP bilang ayuda sa mga residenteng lubhang apektado ng lockdown busod ng enhanced community quarantine, subalit hindi napabilang sa nakatanggap ng ayuda mula sa national government sa ilalim ng SAP. (Pasig PIO/PIA-NCR)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments