'Strict' quarantine sa 5 barangay sa Parañaque next week

Parañaque City Mayor Edwin Olivarez (PIA NCR file photo) 

LUNGSOD PARAÑAQUE, May 16 (PIA) -- Dahil sa pagtaas ng bilang ng mga residenteng positibo sa COVID-19, isasailalim ang limang barangay ng Lungsod Parañaque sa “Strict Community Quarantine” (SCQ) sa susunod na linggo.

Ayon kay Mayor Edwin Olivarez, napagdesisyunan ng lokal na pamahalaan  na ilagay sa SCQ ang mga barangay na may maatas na kaso ng COVID-19 sa lungsod.  0

Ayon sa huling ulat ng Kagawaran ng Kalusugan at Opisinang Pangkalusugan ng Lungsod ng Parañaque nitong Biyernes, Mayo 15, ang Barangay San Dionisio ay nakapagtala ng 82 na positibo sa COVID-19, ang pinakamaraming na bilang sa lungsod. Sinundan ito ng Barangay San Antonio na may 79 na kaso, at Barangay BF Homes na may 66. 
 
Kasama din sa naturang SCQ ang Barangay Don Bosco na may naitalang 60 na kaso, at Barangay Moonwalk na mayroong 58. 
 
Ani Mayor Edwin, ang Barangay Baclaran sa pamumuno ni Chairman Jun Zaide, ay maaaring maisama sa SCQ kung patuloy na tataas ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lugar.
 
Ang mga banko, gasolinahan, tindahan, money remittance centers, at iba pang pamilihan ay kailangang magsara sa lugar na nasasailalim sa SCQ. 
 
Pinalawig pa ng pamahalaang lungsod "Liquor Ban" upang mapigilan ang bilang bahagi ng health safety measures para sa mga residente.
 
Sa kasalukuyan, mayroon nang 635 na naitalang kaso ng COVID-19 sa lungsod. (PIA-NCR) 



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments