Tagalog News: Liquor Ban sa Antipolo aalisin na sa Hunyo 1

(Larawan mula sa Jun-Andeng Ynares Facebook Page)

LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Mayo 31 (PIA)-- Idineklara ni Antipolo City Mayor Andrea Ynares sa kanyang Facebook Page ang paglift sa Liquor Ban sa Lungsod ng Antipolo sa darating na Hunyo 1.
 
Aniya ay ilan sa mga realidad na dala ng liquor ban ay ang iilang mga mamamayang patagong bumibili sa ibang bayan at nagpapabili sa mga "black market" sa mas mataas na presyo.
 
Dagdag pa rito ang iilang mga negosyong apektado ng at ang kita ng mga mamamayan kaya minabuti ng LGU na ibalik sa darating na Hunyo ang pagbebenta ng alak sa lungsod.
 
Ngunit paalala ng Pamahalaang Panglungsod sa mga kapulisan at barangay officials ang ilan pang patakarang dapat alalahanin.
 
Tanging quarantine pass holders lamang ang maaring bumili ng alak at ipinagbabawal pa rin ang pag-inom sa pampublikong lugar.
 
Bukod dito ay mahigpit pa ring ipapatupad ang IATF guidelines kung saan ipinagbabawal ang pagtitipon ng mahigit sa sampung tao habang nasa ilalim ng General Community Quarantine. (PIA Rizal may ulat mula sa Jun Andeng Ynares Facebook Page)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments