PPEs, hand gloves handog ng C-Point Shoes para sa Marikina LGU

LUNGSOD PASIG, Hulyo 2 (PIA) -- Malugod na tinanggap kamakailan ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro ang mga donasyong pamproteksyon mula sa C-Point Shoes bilang tulong sa mga frontliners ng lungsod.

Ipinagkaloob ng C-Point Shoes ang 50 personal protective equipment o PPEs tulad ng hazardous material o hazmat suits at 500 pares ng hand gloves.

Ang mga PPEs na tinanggap ng lokal na pamahalaan ay ipinagpagsalamat ni Mayor Teodoro sa C-Point.

Ayon sa pamahalaang lungsod, ang mga ipinagkaloob na PPEs ay gagamitin ng mga medical personnel na nakatagala sa Marikina Molecular Diagnostic Laboratory.

Sa laboratoryong ito isinasagawa ang Reverse transcription polymerase chain reactio o RT-PCR Test o swab testing para sa COVID-19.

Ang C-Point Shoes ay isa sa mga kilalang nagbebenta ng dekalidad na sapatos sa lungsod. (PIA-NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments