Rubber production at marketing project itinurn-over sa Butuan City

LUNGSOD NG BUTUAN, Hulyo 10 (PIA) – Isang Integrated Rubber Production at Marketing Project na nagkakahalaga ng P22.1 miilion ang itiner-over ng Departemnt of Agriculture-Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) sa Km. 7 Farmers’ Producers Cooperative (KFPC) sa barangay Tungao dito sa lungsod.

Malaki ang pasalamat ng nasabing kooperatiba dahil matagal na nila itong pangarap na maepondar. Ayon kay KFPC chairperson Samuel Calawigan, Jr. isa itong panaginip na naging totoo para sa kanila na mga myembro.

Malaking tulong ang nasabing proyekto dahil ang kooperatiba ang isa sa nagbibigay ng serbisyo sa mga rubber growers sa Butuan City at sa karatig na mga bayan dito.

Kabilang sa nasabing proyekto ang pagpapatayo ng warehouse, seedling production building at seedbed na susuporta  sa mga myembro at mga rubber growers.

Ayon din ay KFPC general manager Nilo Calipayan, target nilang mas maparami pa hanggang 500 hectares ang rubber plantation kada taon, kaya at napakalaking tulong na ito ng DA upang maisakatuparan ang mga ito.

Sa ngayon, mayroon ng 460 myembro ang kooperatiba.

Kampante naman si DA regional executive director Abel James Monteagudo na maging maayos at pagpapatagbo ng kooperatiba dahil tulong-tulong ang mga myembro nito at maganda ang reputasyon.

Maliban sa P22.1 million rubber production at marketing project, kasalukuyan din ang konstruksyon ng 9.82 kilometer na farm-to-market road na nagkakahalaga ng P158.9 million na siguradong makakasuporta sa operasyon ng nasabing kooperatiba. (NCL/PIA Caraga)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments