‘Foot patrollers’ umiikot na sa Pateros

PATEROS, Agosto 26 (PIA) -- Nagsimula nang umikot ang mga "foot patrollers" ng Pamahalaang Bayan ng Pateros bilang pagpapaigting sa pagpapatupad ng health and safety protocols laban sa COVID-19.

Kuha mula sa IsangPateros Facebook Page

Ayon sa pamahalaang bayan, ang foot patrollers ay binubuo ng magkakasanib puwersa ng kapulisan, barangay personnel, at law enforcers ng bayan (TEU, PBDAO).

Ang grupo ay umiikot sa mga looban ng bawat barangay araw-araw upang masiguro ang pagsunod ng mga residente sa health at safety protocols na itinakda.

Masusing ipinatutupad din nila ang mga umiiral na ordinasa sa Pateros upang maapula ang paglaganap ng community transmission ng COVID-19 sa lugar.

Maging kahit sa mga oras ng curfew ay abala rin ang mg a foot patrollers sa pagbabantay.

Ang bayan ng Pateros ay agresibo rin sa community testing kung saan binuksan nitong Hulyo ang kanilang mega swabbing facility.

Bilang dagdag pag-iingat, patuloy pa rin ang bayan ng Pateros sa pagpapatupad ng ‘Sunday Lockdown’ sa buong bayan kahit pa nasa ilalim na ng general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila. (PIA-NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments