LUNGSOD PASIG, Agosto 2 (PIA) -- Isinaayos ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang ‘foot traffic’ scheme sa Pasig Mega Market.
Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, ang pag-aayos ng foot traffic scheme ay ginagawa upang mapanatili ang strict physical distancing ng mga mamimili gayundin ng mga nagtitinda sa palengke.
“Naghihigpit din tayo sa pagsunod ng mga market vendor sa ating mga minimum health safety standards."
Hinikayat din ng alkalde ang publiko na palagiang magsuot ng face mask.
“Pag may nakita kayong di nakasuot ng mask puwede niyo pong ireport sa Market Admin o sa Ugnayan.”
Ayon kay Mayor Vico, mahalagang sumunod sa safety and health protocols sa patuloy na pagharap sa COVID-19.
“Mataas pa po ang bilang ng kasong covid-19. Punong-puno po ang mga ospital ngayon (public & private). Kaya sumunod po tayo sa social distancing, pagsuot ng mask, at iba pang health safety standards. At kung kaya, stay at home.”
Isa ang mga palengke sa mga lugar na makikitaan ng maraming bilang ng tao na nagpupunta.
Dahil dito, mataas ang probalidad ng impeksyon at pagkahawa kapag walang kaukulang pag-iingat. (PIA-NCR)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments