Gobyerno, maglalaan ng P20-B para COVID-19 vaccine

LUNGSOD CALOOCAN, Agosto 2 (PIA) -- May pambayad at maglalaan ang bansa ng P20-bilyon pambili ng bakuna ng COVID-19, ayon sa hepe ng Department of Finance (DOF) nitong Biyernes.

Paliwanag ni DOF Secretary Carlos Dominguez sa ginawang public address ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte, gagamitin ang pera mula sa Philippine International Trading Corporation na nasa ilalim ng Department of Trade and Industry para bilhin ang naturang bakuna na sinabi niyang nasa advance stage na ang development.

Aniya, tatlong pharma company sa China  ang nasa 3rd stage na ng  development, isa sa United States at isa  sa Britanya kaya’t bago mag Disyembre ay maaari na itong maaprub ng kanilang Food and Drug Administration (FDA).

“Kapag naaprub na ng [kanilang] Food and Drug Administration ay maaari na itong ipamahagi,” aniya.

Dagdag n Dominguez, ang DOH ang pipili ng tamang bakuna na bibilhin.

“Babakunahan ng libre ang abot sa 20 milyong tao.”

Pagkatapos, aniya, ay ibibigay ito sa DOH para magamit sa "poorest of the poor."

"Maglaan ang pamahalaan ng mga P20 bilyon para pambayad sa bakuna.  Ito ay popondohan ng Development Bank of the Philippine at ng Land Bank of the Philippines. Kung mayroon ng bakuna sa Disyembre, makabibili tayo," ani Dominguez.

“Kapag mayroon nang bakuna, mabubuksan nang lubos ang ekonomiya at masisimulan na natin ang pamumuhay na normal, hindi new normal,” pagdidiin din ng opisyal.

Dagdag niya, Ang ekonomiya ng bansa ay nagsisimula nang magrekober.

Nagsisimula na itong umakyat, aniya. Kailangan lamang madaagdagan ang transportasyon at hikayatin ang mga tao na gumastos para lalong mabuhay ang ekonomiya.

Nagbigay katiyakan si Dominguez na malalampasan natin ang dinaranas na krisis kasi wala atayong problema sa liquidity, ang ating inflation ay mababa,at ang peso ang pinakamalakas na currency sa Asya.

“We are in good shape to overcome this crisis and we can definitely return to normal life,” ani Dominguez. (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments