LUNGSOD CALOOCAN, Agosto 24 (PIA) –Maaari nang magbiyahe ang karagdagang 1,333 traditional Public Utility Jeepneys (PUJs) matapos aprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operasyon nito sa 23 ruta sa Metro Manila simula sa Miyerkules, 26 Agosto 2020.
Base sa Memorandum Circular 2020-040, maaaring bumiyahe ang mga traditional PUJs sa mga rutang nakasaad sa MC nang walang SPECIAL PERMIT.
Kapalit naman ng SPECIAL PERMIT ay ang QR Code na ibibigay sa bawat operator bago pumasada. Ang QR Code ay dapat naka-print sa short bond paper at naka-display sa PUJ unit. Maaari itong i-download QR Code mula sa website ng LTFRB (www.ltfrb.gov.ph) simula bukas ng hapon, 25 Agosto 2020.
Pinapaalala naman ng ahensya na walang taas-pasahe na ipapatupad maliban na lang kung may ianunsyo ang LTFRB. Sa ngayon, nasa P9.00 ang unang apat (4) na kilometro at P1.50 sa mga susunod na kilometro ang pasahe sa Traditional PUJ.
Bukod pa sa mga ito, kinakailangan na naka-register sa Land Transportation Office (LTO) ang PUJ unit bilang roadworthy o akma sa pagbiyahe sa kalsada, at mayroong valid Personal Passenger Insurance Policy.
Kabilang din sa mga requirements para mag-operate ang Traditional PUJs ay ang pagsunod sa safety measures alinsunod sa mga alintuntunin ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) tulad ng pagsuri sa body temperature, pagsusuot ng face mask/shield at gloves sa lahat ng oras, at ang pag-operate ng 50% maximum passenger capacity ng PUJ.
Ang mga sumusunod na ruta ay bubuksan batay sa MC 2020-040:
T132 Napocor Village/NIA Ville - SM North EDSA
T133 NAPOCOR/NIA Ville - Mindanao Ave. Congressional
T134 Bagbaguin - Malinta
T234 Katipunan - Marcos Ave./University Ave. via UP
T369 Libertad - PRC
T370 Santol - Pina Ave. via Buenos Aires
T371 Blumentritt - Divisoria
T372 Blumentritt - Libertad via Sta. Cruz, L. Guinto
T373 Libertad - Retiro via Mabini, Sta. Cruz, L Guinto
T374 España - Rizal Ave. via Blumenttrit
T375 Blumentritt - Retiro
T376 Arroceros - Blumentritt via Dimasalang
T377 Ayala - P. Burgos/J.P. Rizal
T378 Baclaran - Blumentritt via Mabini, Sta. Cruz
T379 Baclaran - Blumentritt via Quiapo/Mabini
T380 Dapitan - Pier South
T381 Divisoria - Libertad via L. Guinto
T382 Divisoria - Libertad via Mabini
T383 Divisoria - TM Kalaw via Jones Bridge
T384 España - Project 2&3 via Timog Ave.
T385 Project 4 - TM Kalaw via Cubao, E. Rodriguez
T386 Pier South - Retiro via Sta. Cruz
T405 Multinational Village - Gate along Imelda Ave.
Oras na maging operational ang mga rutang ito, narito na ang kabuuang bilang ng mga rutang binuksan ng LTFRB, kasama na ang bilang ng mga authorized units nito, simula noong unang ipatupad ang GCQ sa Metro Manila:
Public Utility Bus (PUB) – 31 routes; 3,696 units
Point-to-Point Bus – 33 routes; 364 units
Taxi - 20,493
Transport Network Vehicles Services (TNVS) - 23,776
UV Express – 51 routes; 1,621 units
Modern Public Utility Jeepney (PUJ) – 45 routes; 786 units
Traditional Public Utility Jeepney (PUJ) – 149 routes; 13,776units
Pinapaalalahanan naman ang lahat sa mga patakaran na inilahad ng IATF-EIF patungkol sa mahigpit na pagpapatupad ng Social Distancing protocols at ang NO FACE MASK, NO FACE SHIELD, NO RIDE sa mga pampublikong sasakyan. (LTFRB/PIA-NCR)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments