Matanda, nais mahanap ang mga anak matapos datnan ang mga itong wala sa kanilang tahanan

Larawan mula kay Evengeline Cenon
Sa pamamagitan ng isang netizen na nagngangalang Evangeline Rance, ibinahagi nito sa kanyang social media account ang kwento ng buhay ng isang matandang si Cenon Ribon na nagnanais makita ang matagal ng hindi nasisilayang dalawang anak nito.

Ayon sa post ni Evangeline, habang naglalakad siya ay nakasalubong niya ang matandang si Cenon at nakausap niya ito tungkol sa kanyang hinaing.

Nais umano ni tatay Cenon na makita ang kanyang anak na sina Critopher Ribon at Annaliza Ribon dahil maliliit pa raw ang mga ito noong iwanan niya sa kanilang bahay at pagbalik niya ay wala na ang mga ito.
Larawan mula kay Evengeline Cenon
"Ito po si a uncle Cenon  Ribon nasalubong ko sya kanina sa daan  at nag usap kami tungkol sa mga anak nyang si Critopher Ribon at Annaliza Ribon ,dahil gusto nyang makita  sila dahil maliliit padaw itong naiwan nya, pag balik nya wala na sila sa bahay." ayon kay Evangeline.

Dahil dito ay naisipan ni Evangeline na alukin si tatay Cenon na kunan siya ng larawan upang maibahagi sa social media at laging gulat nito nang kaagad niyang inaalis ang sombrero at tumayo ng maayos.

"naawa ako dahil agad nyan tinanggal ang sumbrero nya at tumayo ng maayos sana daw saganitong paraan ay makilala sya ng mga anak nya," dagdag pa ni Evangeline.

Patunay lamang na sabik na sabik ito na makita ang kanyang mga anak na matagal ng hindi nakikita.

Basahin ang Facebook post sa ibaba:
Larawan mula kay Evengeline Cenon
"Ito po si a uncle Cenon  Ribon nasalubong ko sya kanina sa daan  at nag usap kami tungkol sa mga anak nyang si Critopher Ribon at Annaliza Ribon ,dahil gusto nyang makita  sila dahil maliliit padaw itong naiwan nya, pag balik nya wala na sila sa bahay nila sa Mindoro tinanong ko sya Kong gusto ba nyang picturan ko sya at ipost para Kong may makakilala sakanya sa Mindoro ay IPAAlam agad sa mga anak nito, naawa ako dahil agad nyan tinanggal ang sumbrero nya at tumayo ng maayos sana daw saganitong paraan ay makilala sya ng mga anak nya, tinanong ko sya Kong gusto mo bang picturan ko ang bahay mo at ipost ko din sabi Oo neng daanan mo doon  ,kaya mamaya ang bahay naman nya ang ipost ko ,Kong sino man ang maka kita at makabasa nito  paki share nalang po sanay nakarating ito sa 2 nyang anak .

"Salamat po ulit sa may konsederasyo Dios napo ang bahala sa inyong ruling sa pag share."

****


Source: Daily Sentry

Post a Comment

0 Comments