LUNGSOD PASIG, Agosto 11 (PIA) -- Pansamantalang sinuspinde ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang pag-iisyu ng Travel Authority para sa mga locally stranded individuals (LSIs).
Ayon sa pamahalaang lokal, ito ay bilang alinsunod sa pagsasailalim ng Metro Manila sa modified enhanced community quarantine (MECQ).
Sa ilalim ng MECQ limitado ang pagbiyahe sa "essential" travel at maging ang mga pampublikong sasakyan ay pinagbabawalang bumiyahe.
Hinihikayat din ng Pasig local government ang bawat isa na manatili sa mga tahanan, maliban kung para sa essential travel.
Samantala, hinikayat din ng pamahalaang lungsod na manatiling umantabay sa Pasig PIO Facebook page https://ift.tt/3fGAFpG para sa mga karagdagang balita o anunsyo.
Magugunitang ilan sa mga requirement upang mabigyan ng Travel Authority ang pagkakaroon ng Medical Clearance Certificate mula sa lokal na pamahalaan, o alinmang Department of Health-accredited hospital. (PIA-NCR)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments