Piling ruta ng Libreng Sakay, ibinalik ng Pasig Transport

 

LUNGSOD PASIG, Agosto 5 (PIA) – Ibinalik ng Pasig Transport ang ilang ruta ng ‘Libreng Sakay’ na handog ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig bilang tugon sa muling paghinto ng pampublikong transportayson sa panahon ng modified enhanced community quarantine o MECQ sa Metro Manila at karatig lalawigan.  

Ayon sa pamahalaang lungsod, tatakbo ang Libreng Sakay sa mga piling ruta, araw-araw mula 5:00am hanggang12:00nn at mula 2:00pm hanggang 10:00pm.   

Ang mga ruta ay ang mga sumusunod:

- City Hall to Kenneth
- City Hall to Ligaya via PCGH
- City Hall to The Medical City via Shaw

Simula noong Marso, patuloy ang Pasig Transport sa pagbibigay ng mga libreng sakay para sa mga medical healthworkers at frontliners ng lungsod. (Pasig Transport/PIA-NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments