Tim Sawyer and China Roces, photo from Facebook |
"Alam nyo, si China, mabait yan kaso pag galit, di niya ginagamit utak niya. Yan ang problema sa kanya. Tapos ito na, sumabog na may nakita pa ko pinagpalit ko daw si China at anak ko sa isang million. Kung pinagpalit ko pa yan sila sana wala nako dito sa bahay ngayon kasi ang tagal na na issue samin yan," ayon sa vlogger.
Narito ang buong pahayag ni Tim Sawyer:
Tim Sawyer | Social Media Artist with more than 3M followers on FB Photo credits: Tim Sawyer, Facebook |
Gusto ko lang mag sorry sa lahat ng drama na nangyayare ngayon samin.. Yung issue na live kagabi matagal na na issue 'yun nong July 29 pa lang umuwi ako ng bahay galing Antipolo kasi nagtrail bike kami don ng mga kaibigan ko. Pag-uwi ko ng bahay don na na laman ni China kung magkano kinikita ko sa social media. Alam kong malalaman din niya yan kasi hawak naman niya lahat ng social media pati email ko. Nung narinig nyo kagabi, matagal na na issue yun, inuulit ulit lang niya. Nung July 29, kung napansin nyo, one week ako hindi nakapag-upload ng video kasi naglayas ako dito sa bahay dahil nga nagwawala na naman si China dahil nga dyan sa pera na issue na yan.
Umalis ako ng bahay, wala akong bitbit belt bag ko pero lahat ng cellphone nasa kanya. May inupahan akong bahay dito malapit sa tinitirhan namin diko sinabi sa kanya yun kasi alam ko kung maglalayas ako, sympre hahanapin niya ako e make sure di nya ako mahanap.
May tinayo kasi akong negosyo dito alam niya yun sinabihan ko siya na magtatayo ako ng negosyo tsaka balak kong mag upa ng bahay which is ginawa ko na kahit di pa niya alam. Nung tim na naglayas ako July 29 pa yun. Alam na niya yung kinikita kong pera sa ko, "Baby, ito deal ko sayo bibigyan kita ng 100k a month malinis na yan di pa kasali lahat ng luho mo galing sakin.. dito sa bahay."
Last July di pa niya alam kinikita ko nagpabili siya sa akin ng LV bag worth 85k binili ko. Sympre, para naman mafeel niya yung effort na ginagawa niya sa video. Si China may negosyo yan mga luxary bag kahit papano laki din ng kinikita niya dyan sa negosyo niya. Full support ako sa kanya. Pinagmamaneho ko pa siya pag minsan maraming delivery. Ako full time vlogger lang ako. Alam niyo, di ako nagtatago ng pera kay China. Matagal na ko nasa Youtube. Ako, di ko tinatago sa kanya kung magkano sinasahod ko. In fact, lahat ng sinasahod ko, binibigay ko yan lahat sa kanya. Kung totoong sakim ako sa pera, p*ta sana ang yaman ko na dati pa lang.
Ako lahat ng nasa akin sa kanya din yan. Never akong nagdamot. Binigay ko na lahat sa kanya pati career ko. Nitong pandemic, sympre alam nyo, bigla kami sumabog expected kona na malaki talaga makukuha kong pera pero wala akong balak na itago sa kanya forever at alam ko sa wise ng babae na yan malalaman din niya yan. Kasi una, hawak niya account ko. Kaya ng nakapaglive yan kahapon sa page ehh. Kasi may access siya sa social media ko. Dahilan kaya ako nagalit. Nung July 29, naglayas ako sa bahay bitbit ko lang non, belt bag ko. Kinuha niya sakin lahay ng cellphone ko kaya ilang araw di ako makatulog ng maayos kasi naglayas ako wala akong cellphone di ko alam ano pinaggagawa nya sa page ko. Dun ko nalaman na inuunti unti na niya dine-delete mga videos namin. Nagpost pa siya sa sito sa page nagparinig tungkol nga dyan sa pera na yan.
China Roces | Photo from Facebook |
Alam nyo, si China, mabait yan kaso pag galit, di niya ginagamit utak niya. Yan ang problema sa kanya. Tapos ito na, sumabog na may nakita pa ko pinagpalit ko daw si China at anak ko sa isang million. Kung pinagpalit ko pa yan sila sana wala nako dito sa bahay ngayon kasi ang tagal na na issue samin yan. Kaya galit si China sakin kasi sabi ko, tapusin na namin tong paggawa ng video kasi napapagod na ko taga away nalang sinasaktan niya ako. Ok lang sana kung tala lang siya ng tala dyan ako sa apat na taon namin magkasama sanay na ako sa bunganga ng babae na yan. Kahit masakit magsalita yan, mahal ko yan. Selosa, bungangera, pero mahal ko yan di ko lang matanggap kasi sinusuntok ako pag nagselos. Tapos, alam mo yun yung issue dati binabalikbalik kahit tapos na!! Marami na ko nagawang kasalanan sa pagsasama namin. Una, yung issue ng babae. Normal sa relasyon na may problema, may drama pero issue ng pagdadamot, di ko gawain yan.
Issue sa kanya ang hatian ng kita. Alam niyo di lahat ng binabayad ay papel di rin lahat ng sinusukli ay barya. Dito sa bahay, ako bumibili ng grocery. Gumagastos ako ng 8-10k every grocery. Last month nagpabili si China sakin ng LV bag worth 85k, binili ko yung para mafeel niya yung effort sa niya sa paggawa nakin ng video. Ngayon month lang, after namin mag-away binilhan ko siya ng iPhone 11 Pro max kasi maganda daw. Ni isang post or rant wala akong nilabas na binigyan ko siya ng mga ganyang bagay.
Totoo malaki kinikita ko pinaghirapan namin yun pero dapat niyo intindihin, ako ang namamahala ng pera namin kasi ako yung may-ari ng page. Ako nag-eedit ng sarili kong video. Ako nag-iisip kung ano gagawin namin araw-araw. Pero di ko pinagdadamot na walang parte si China. Kasama siya sa success ko. Pero kung didiktahan mo ko kung magkano ibibigay ko sayo, mali yun. Di ako madamot. Lahat ng luho binigay ko sakanya. Minsan kasi, namimimisinterpret tayo kasi kung marami kang pera madamot ka kasi nga marami.
Di lahat ng binabayad ay pera. Di rin lahat ng sinusukli ay pera. Sa mga nagsasabing sakim ako sa pera, tandaan niyo, kung sakim pa ako sana pinagdamot ko na lahat ng nasa sakin simula't sa umpisa. kita niyo nga sa tagal ko dito nagpapagod wala nga akong sariling bahay. Wala akong sariling kotse. Kahit nga damit di ako bumibili. Binabash pa ko sa social media kasi paulit-ulit na lang yung mga damit na sinusuot ko. Mabuti nalang may ibang nagssponsor na namimigay ng mga damit sakin pero di parin ako bumibili. May pera naman ako pero bakit di ko man lang inisip sarili ko kasi mas iniisip ko pa ang pamilya ko kaysa sarili ko.
Alam nyo lumaki akong mahirap. Lumuwas ako ng manila wala nga akong kamaganak dito. Dito sa bahay namin sino nakatira puro kamaganak ni China. Ni anak ko lang ata kadugo ko dito. Pero never akong nagkulang sa financial, pagkain, lahat ng babayaran sa bahay. Internet, kuryente. P*ta, nitong nakaraan nga lang 25k bill namin sa kuryente. Napalunok na lang ako. Tatlong aircon. 24 hours na nakabukas para comfortable tayo dito sa bahay. Pero never akong nagdamot sa inyo. Iniisip niyo lang na maliit kasi masyadong marami ang pera ko kaya nakukulangan pa kayo sa binibigay ko sa inyo. 100k a month. P*ta ang liit pa rin kasi million nga kinikita ko. Yun ang puno't dulo eh. Ako kaya kong maghirap ulit kasi galing na ko sa mahirap. Sila kaya, kaya nila maghirap sila ulit? Hindi. Kasi hindi sila sanay sa maliit na pera.
Matanda na ko para sa mga ganito. P*ta. Kutsain nyo ako na madamot pero dami ko ng natulungan. Hindi ko lang pinapalabas sa video baka isipin yung ginagawa ko content ang pagtulong. Respetuhin niyo kung anong sakin. Pinaghirapan ko yun. Pawis at dugo. Nagdamot? Hindi ako nagdamot o naging sakim sa buhay ko. Lahat binubuhat ko. Wala akong hinahatak pababa. Nakakalungkot lang isipin na ngayon hinahatak niyo ko pababa kasi inisip nyo na silaw ako sa pera. Sana matagal na.
Source: 1
Source: Daily Sentry
0 Comments