Viral post ng isang estudyanteng umiiyak dahil sa hirap ng Accounting, may malalim na hugot pala

 

Mga larawan mula sa Facebook

Sa isang viral post na ibinahagi ng isang college student na si Banessa Raya, ang kanyang masalimuot na pinagdaan habang ito ay nag aaral pa lang sa kolehiyo, na kumukuha ng kurso Accountancy at ang pangungulila nya sa kanyang ina na isang Overseas Filipino Worker o OFW sa United Arab Emirates (UAE). *

Mga larawan mula sa Facebook


Di biro ang mga problemang kinaharap nya bukod sa napaka hirap nyang kurso na accountancy at may mga personal na problema rin itong napagdaanan gaya na lamang ang pagiging malayo sa piling ng kanyang ina na may malubhang sakit na labis na bumabagabag sa kanya habang nag aaral pa ito.



Bagaman tatong taon na ang nakalipas ng maishare nya ang viral post na ito, sa unang tingin ay akala ng iba na nagda drama lamang ang dalaga dahil ng sa hirap na hirap ito sa pagsagot sa kanyang mga subjects, kaya naman naka tanggap sya ng bashings dahil dito.


Ngunit ang hindi alam ng iba ay may malalim pala na dahilan kung bakit sya umiiyak. Hindi na nito nakuhang magpaliwanag pa noon tungkol sa kanyang mga madramang post bilang isang estudyante dahil sa sobrang busy nya that time. *


Mga larawan mula sa Facebook


At ngayon ay naka pagtapos na sya sa kanyang pag aaral sa kursong nagpahirap sa kanya, kaya binalikan nya ang viral post na ito 3 years ago at muli nga itong nagviral at ngayon nga ay may paliwanag nang kaakibat ito.


May caption na "THhe reason behind kung bakit ako umiyak sa Acoounting) (medyo madrama) 3 yrs na ngayon lang ako sinipag mag expalin".


Ayon sa ating uploader na si Banessa Raya, totoong nahihirapan sya sa kanyang mga subjects sa accountancy, at kahit anong piga nya sa kanyang utak ay hindi nya talaga ito masagutan.



 At bukod pa dyan, kasalukayang nasa ibang bansa ang kanyang ina na nakikipaglaban sa breast cancer. Nais ng kanyang ina na makauwi na ng Pinas upang dito na lamang magpagamot at makasama na ang kanyang pamilya. *


Mga larawan mula sa Facebook


Subalit hindi ito posible dahil nasa gitna nga ng gamutan at sumasailalim sa chemo therapy ang kanyang ina kaya imposibleng makauwi muna ito.


Sa kabila nito, hindi naman naputo ang kanilang komunikasyon at sa pamamagitan na lamang ng mga text messages nakaka pag-usap silang mag-ina. 


Ipinangako ni Banessa sa kanyang ina na pagbubutihin nya ang kanyang pag-aaral kahit nahihirapan sya. at ito rin ang pangarap ng kanyang ina para sa kanya, na makapagtapos sya ng pag-aaral.


Hanggang sa naging consistent honor student ito at Dean's lister pa! Sobrang proud ang kanyang ina sa mga magagandang binabalita ni Banessa tungkol sa kanyang pag aaral.



At isang magandang balita nang gumaling ang kanyang ina mula sa sakit na breast cancer, nagkaroon din ng chance si Banessa na makapunta ng United Arab Emirates kung saan nagta trabaho ang kanyang ina. *

Mga larawan mula sa Facebook


Nagkaroon sila ng munting pagkakataon magbonding sa UAE kahit sa sandaling panahon lamang.


Bumalik sya ng Pinas at pinagpatuloy ang pag-aaral, ngunit makaraan ang isang taon, may masamang balita sa kanyang ina. 


Muling bumalik ang sakit nito at hanggang sa hindi na nga nito kinaya ng kanyang katawan.


Bagaman napakasakit ang mawalan ng isang ina, natutuwa naman si Banessa sa mga payo ng kanyang ina sa kanya na baon nya sa kanyang pag iisa ngayon. 


Maraming netizens ang na touch sa post na ito ni Banessa, at talaga namang nakakaiyak ngunit nakaka inspire.  Nais ni Banessa na maging inspirasyon sa ibang estudyante na nahihirapan, ngunit sa kabila nito ay malalampasan din naman, Magpursige lang at patuloy lang na lumaban at kayang-kaya ang laban.



Narito ang kabuuan ng kanyang viral post: *


Larawan mula sa Facebook


"I keep on receiving random messages kung bat daw ako umiyak. HAHAHAHAHA so, para hindi na mahaba explain ko nalang yung main reason on what happened. Hahahaha. Idk bat nagviviral padin almost 3 yrs na so eto na siya guys HAHAHAHAHAHA. Sorry po pala sa mga nairita. Napressure lang po talaga ako that time.  Sa mga kapwa ko students, kaya niyo yan! Laban lang!


May mga captions every picture, you can check it!


SO ETO NA NGA SIYA MGA BES IDK LAST 3 YRS PA TO PERO NAG VIVIRAL PADIN OMG HAHAHAHAHAHHAAH


So, normal student lang ako sa UE, tamang pacute lang sa hallway ganon. Nung gr 11 wala chill lang ako sa class talaga inenjoy ko lang ung buong gr 11 ko.  Pero di naman ako bumabagsak sa klase so parang balanced lang ganun. *

Larawan mula sa Facebook


Then... nung 2017. Grade 12 ako that time sa UE, nalaman ko na may cancer si mama. Stage 2 breast cancer.. ‘di ko alam kung ano gagawin ko, parang kukunin nalang ata ako bigla sa lupa. Si mama nalang kasi parent ko while my lolo’t lola is ako nalang nag-aalaga since matatanda na sila. Walang kapatid, walang tatay since birth and nagwowork sa UAE ang mama, single parent siya and me wala din kapatid so basically nagpapagaling siya sa ibang bansa mag-isa.



This was the time na sabi ko sa sarili ko, kailangan kong mag-aral ng mas mabuti para sa mama ko.


Eto yung time na gusto ko na makapag-graduate agad-agad pero wala ako magawa since gr12 palang ako so sabi ko sa sarili ko gagalingan ko para kay mama. Kase even tho may sakit na siya ginagapang niya parin ako para makapagtapos lang. *

Larawan mula sa Facebook

So eto na nga nagbunga din lahat ng hardwork, 1st and 2nd quarter. Sa UE, iba yung with honors sa with high honors so parang goal ko maging with High honors para kay mama.


So eto na. Viral na si ate mo girl.  I kept answering one of the problems sa take home quiz namin pero hindi ko talaga masagutan. Pinagpuyatan ko yung number four pero di talaga kinakaya ng utak ko. Siguro pressured nadin, since want kase makauwi ni mama sa graduation ko kahit may sakit siya kaya gusto ko galingan ng todo para sa kanya.



So balak niya umuwi before graduation ko. Kaya I told myself na I’ll make the most out of it! Kahit mahirap, guys kakayanin natin for our parents diba? Wala namang madali. Kaya sa lahat ng nahihirapan sa acads kayang-kaya niyo yan guys tiwala lang sa sarili and yung deepest why niyo kung bat tayo nagsstrive is for our parents. *

Mga larawan mula sa Facebook

After nung problem na yun, nasagutan ko naman siya guys hehe. Tapos eto yung naging result. Di naman ganun kataas like sa mga highest honors sa school pero ako kasi di talaga ako matalino guys need ng dobleng sipag para makamit to lahat. All my hardworks and iyaks are paid off.


Ayun natuwa ang mama. nasa ospital siya nyan that time pero nagrereply padin saakin sweet!!! Excited nadin ako umuwi siya para makuha medal ko. High honors ako guys natupad ko yung goal ko kay mama. 



Sa kanilang convo ng kanyang ina; Proud na proud ako sayo anak dahil hindi mo pinabayaan ang pag aaral mo. I love you and salamat anak. Ani ng kanynag ina. MAHAL NA MAHAL DIN KITA MAMA. This is all for you. Ang sagot naman ni Banessa sa kanyang ina. *


Mga larawan mula sa Facebook


Ganda ganda naman ng mama ko hehehe ( May pinost na litrato ang kanyang ina habang naka confine ito sa ospital)


Kaso.. di siya makauwi since may chemo pa siya pero ok lang ma as long as ‘di ka nahihirapan ok lang. gusto ko din siya makasama sa graduation ko pero k lang meron panaman college sabi namin.


Taba ko dito hahahaha. Ayun guys nag high honors din aq hehehe. Thank you Lord! (picture of Banessa with medal)


Kahit wala siya nun sa graduation ko. Nageffort padin ang mama para makapagbigay ng gift! Hayy best mom ever! 



Kaso after a yEAr guys, nagkasakit uli siya.


Ang strong strong mo mama! (picture of  Banessa and her mother while her mama was in a hospital bed)


August 17, 2019 last yeAr kinuha na siya ni Lord. Nakapagpahinga na ang mama. Even tho, ngaun. Kahit mag-isa nalang me until her very last moment naparamdam ko sakanya na kaya ko. Na lahat basta may pagsusumikap, malalagpasan. Mahal na mahal kita ma. Sobra. *

Larawan mula sa Facebook

Before din siya mawala nakapagdeans list ako sa feu. Kase cinompute ko ung grade ko nung april, kahit nung nandun kami sa UAE proud na proud siya kahit may sakit na sya kase mataas grades ko pero kahit hindi mataas guys proud parin sya.


Ayan kahit di mataas Ok lang sa kanya hehe, I love you!!



And I miss you.


Hindi pa ako graduate, I still have 2 yrs left. Pero I’ll do my best to make you proud.


MAHAL NA MAHAL KITA, MAMA.


To all the students na nahihirapan, guys you can do it! For our parents and for ourselves! Everything happens for a reason. Love tayo ni Lord! I believe na kayang kaya mo yan! Walang susuko! Hihi! Fighting! 


Sa susunod, diploma na ‘to! 


To my mama: I know binabantayan mo ako ma. Miss na miss na kita.  Tapusin natin tong laban mo. Antay mo lang ako ha? I love you!!


Thank you Lord for everything!  God bless us all. " *

Mga larawan mula sa Facebook






Source: Daily Sentry

Post a Comment

0 Comments