Bloodletting drive ng Pasig, pinagunahan ni Mayor Vico 

Pinangunahan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang ginanap na bloodletting drive sa lungsod nitong Biyernes, Set. 4. (Photo courtesy of Mayor Sotto's Facebook page)

LUNGSOD PASIG, Set. 5 (PIA) – Pinangunahan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang bloodletting drive ng lungsod nitong Biyernes, Setyembre 4, kasama ang ilang opisyal at mamamayan ng lungsod.

Sa kanyang official Facebook page, nabanggit ni Mayor Vico ang kakulangan ng suplay ng dugo sa kasalukuyan sa mga blood blank bunsod ng COVID-19 pandemic.

Ngayong pandemya, kumonti ang nagbibigay ng dugo. Napaka sakit mawalan ng mahal sa buhay dahil sa kakulangan ng dugo sa blood bank,” ani Sotto.  

Ayon sa punong lungsod, regular pa rin ang bloodletting drive ng lokal na pamahalaan.

Regular pa rin naman ang blood-letting drive ng LGU, pero siyempre maraming natatakot o di kaya mag-donate sa ngayon."

"Because of this, we are stepping up our blood-letting drives. Dapat mauna tayong mga kawani ng pamahalaan,“ aniya.

Hinikayat din ni Mayor Vico ang publiko na mag donate ng dugo na ginaganap sa Plaza Bonifacio sa lungsod Pasig tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes ng umaga.

Kung malusog po tayo at kaya natin, mag-donate po tayo,” ani Sotto. (PIA-NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments