LUNGSOD PASIG, Set. 22 (PIA) -- Nakatanggap kamakailan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga donasyon mula sa Fujian Youth Association.
Malugod na tinanggap ni MMDA Chair Danilo Lim ang mga donasyong face masks, face shields, air-purifying machines, at disinfecting solution at sprayers mula sa Fujian Youth Association para sa ahensya.
Pinasalamatan ni Lim ang grupo sa pagbibigay nito ng suporta sa ahensya sa gitna ng nararanasang pandemya sa bansa.
Aniya, malaki ang maitutulong ng mga naturang kagamitan at personal protective equipment para sa COVID-19 response efforts ng MMDA.
Magugunitang ang Fujian Youth Association ay laging abala sa paghahatid ng tulong lalo na sa mga sinalanta ng kalamidad.
Bukod dito, ang grupo ng mga Filipino-Chinese ay nagtataguyod din ng mga proyekto para sa ikabubuti ng mga komunidad sa bansa. (PIA-NCR)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

0 Comments