Hulo at Sta. Ana ferry stations, operational na muli

File photo courtesy of MMDA.

LUNGSOD PASIG, Set. 29 (PIA) --Operational na muli ang Hulo at Sta. Ana Ferry Stations ng Pasig River Ferry Service (PRFS).  

Ibinalita ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chair Danilo Lim sa kaniyang Facebook page, ang muling pagbubukas ng Hulo at Sta. Ana ferry stations simula nitong Lunes, Set. 28 para sa mas maayos na pagbibigay ng libreng sakay para sa mga Authorized Persons Outside Residence (APOR).

Ayon sa pinuno ng MMDA, ang mga naturang istasyon ay karagdagan lamang sa nauna nang binuksan na istasyon ng Pinagbuhatan, San Joaquin, Guadalupe, Valenzuela, Lawton, at Escolta.

Idinagdag pa ni Chair Lim na ekslusibo pa rin para sa APOR ang biyahe ng PRFS ngayong nasa GCQ pa rin ang Metro Manila, at nananatiling limitado ang mga biyahe, bukas na istasyon, at seating capacity ng mga bangka.

Gayundin, paalala ng MMDA na patuloy ang striktong pagpapatupad ng health and safety protocols tulad ng pagsuot ng face mask at face shield, pagsunod sa physical distancing, at pagsagot sa manifest form at commuter information sheet. (MMDA/PIA-NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments