Malabon nagtala ng 74 COVID-19 recoveries sa isang araw

LUNGSOD CALOOCAN, Set. 11 (PIA) -- Nakapagtala ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon ng 74 recoveries mula sa COVID-19 nitong Huwebes, Set. 10, base sa ulat ng Radyo Pilipinas (RP). 

"Sa pinakahuling COVID-19 update ng Malabon City, mula 623 active cases ay nasa 555 na lamang ito matapos makapagtala ng 74 recoveries kahapon," ibinalita kaninang umaga ng RP.

"Karamihan sa mga gumaling ay mga residente ng Barangay Potrero (25), Barangay TaƱong, at Barangay Tinajeros (11)," dagdag pa nito.

Ayon sa ulat, ang mga COVID-19 active case patients ay kasalukuyang naka-admit sa mga isolation facilities na pinatatakbo o binabantayan ng lokal na pamahalaan.

Kabilang sa mga ito ang mga pasyenteng asymptomatic o may mild symptoms ng coronavirus disease.

Sa kabuuang 4,382 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Malabon, 3,662 dito ang gumaling na, habang 165 naman ang nasawi. (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments