Mga detalye tungkol sa food delivery scam sa Las Piñas inilibas ng barangay



Photos courtesy of Natalie dela Cruz/Facebook



Mahigit sa sampung food delivery riders ang nabiktima ng isang scam matapos sabay sabay silang mag deliver ng inorder na mga pagkain via on line at ipadeliver ito sa iisang address sa Pilar Village, Las Piñas City nitong Martes lamang.


Ayon sa isang netizen na kinilalang si Natalie Cruz na syang uploader ng mga larawan, isang nag ngangalang "AJ Pande" ang nag order umano sa isang food delivery service app ng iba't ibang klase ng pagkain at inumin gamit ang magkakaibang contact number pero may iisang address. *



"Nakwento sa 'kin ng mga riders na pinick up po nila sa seller 'yung order ni AJ Pande. Paiba-iba 'yung contact number na binigay ni AJ pero same address," pahayag ni Natalie sa isang panayam.


"Sinasabi ni AJ 'pag walang lumalabas sa bahay ay mag-doorbell nang maraming beses. Tapos after that sasabihin niya sa seller 'this is a scam, marami na kayo nabiktima mga bob* kayo,'" ani Natalie.


Nang magkita kita na ang mga riders sa binigay na address, napag alaman nila na wala palang "AJ Pande" na nakatira sa nasabing bahay, bagkus isang senior citizen ang naninirahan at may-ari umano ng bahay, ayon pa kay dela Cruz.


"Wala daw pong AJ Pande na nakatira sa [nakalagay na address]. Senior ang lumalabas sa bahay na iyon," dagdag pa ng netizen na nag upload ng mga larawan. *


Photos courtesy of Natalie dela Cruz/Facebook




Subalit ang ipinagtataka ng mga residente sa naturang lugar, ay kung bakit hindi pa ito umano iniuulat sa barangay, dagdag pa ng netizen.


“Ang pinagtataka po ng karamihan bakit ‘di po siya nagrereklamo sa barangay … ‘yung owner po ng house,” ani dela Cruz


May nauna nang pahayag ang GrabFood PH tungkol sa mga users na hindi nagpapakita para kuhain ang kanilang order ay maaaring humarap sa ilang parusa. Habang ang FoodPanda naman ay  hinihintay pa ang pahayag patungkol sa insidente.


Mayroon pang usap usapan na nagkaroon pa umano ng kaguluhan sa nasabing lugar dahil sa hindi pagbabayad sa mga inorder na pagkain ngunit pinabulaanan naman ito ng Barangay Pilar.


Sa pahayag ng officer-in-charge ng Barangay Pilar na si Jose Esguerra, totoong may naganap na hindi pagkakaunawan sa pagitan ng itinuturong umorder at iba't ibang food delivery riders pero nangyari ito noong Marso pa ng taong kasalukuyan. *



Photo courtesy of Natalie dela Cruz/Facebook


Sa katunayan pa nga ay may blotter ang Barangay Pilar bilang patunay na noong Marso pa nga naganap ang ilang litrato na lumalabas sa isang social media account.


Pero sabi naman ng uploader na si Natalie, nito lamang Setyembre 15 niya nakuhanan ang mga larawan at kanyang inap load sa social media.


Sa kasalukuyan ay wala namang silang natatanggap na anumang reklamo mula sa iba't ibang food delivery rider dahil madalas naman silang umiikot sa mga kabahayaan na kanilang nasasakupan dagdag pa ng barangay Pilar.


Hindi ito ang unang pangyayari kung saan ay may mga nabiktima na ring mga food delivery riders nitong nagdaang quarantine. 



May ilang mga restaurant at mga food delivery riders  din ang mga nabiktima ng kagayang scam at labis na kaawa awa ang mga maliit na riders na nabibiktima dahil sa perang iuuwi na sana sa pamilya ay naloko pa ng mga walang pusong gumagawa ng ganito. *



Photo courtesy of Vulcan Post


Nagpahayg naman ng pagka-dismaya ang mga netizens hinggil sa insidente dahil sa pagiging talamak na nito at nakakaawa na ang mga riders na naghahanap buhay lamang. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:


"Time na cgro na bawat cp number Ng bawat isang users kailangan naka regesterd Po sa NTC Sana magawan nman Ng paraan Ng gobyerno Ang mga ganitong scam..kawawa Kasi mga delivery man na Yan .. Ang mga taong walang magawa inaabala sila isang crime Po Yan dapat magkaroon na Ng batas para dyan at makulong Ang mga masamang elemento na Yan..."



"Dpat maisabatas ang bawal manloloko sa mga rider... dpat protection apps para sa mga delivery like food panda and etc. Dpat sim registration at may limit ang bili ng isang tao."


"#Foodpanda may GPS yung nag-order kaya pwede matrace yan kung gagawan ng parang ng #FoodPanda. pwede maglagay ng maling address pero ung location ng pagsend ng order ay mareregister ng app." *


Photos courtesy of Philstar




Source: Daily Sentry

Post a Comment

1 Comments

  1. A very delightful article that you have shared here.Courier Delivery Mauritius Your blog is a valuable and engaging article for us, and also I will share it with my companions who need this info. Thankful to you for sharing an article like this.

    ReplyDelete