Tagalog News: COVID-19 equipment itinurnover ng BARMM, UNFPA sa CRMC

LUNGSOD NG COTABATO, Set. 29 (PIA) – Itinurnover kamakailan ng Ministry of Health ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MOH-BARMM) at ng United Nations Population Fund (UNFPA) ang Automated Nucleic Acid Extraction Machine sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC).

Ayon kay MOH-BARMM officer-in-charge Dr. Amirel Usman ang nasabing machine ay itinurnover sa CRMC upang mapalakas ang testing capacity nito sa coronavirus disease 2019.

Ang extraction machine ay makatutulong upang makaproseso ang CRMC ng 400 hanggang 500 swab tests sa loob ng isang araw. Sa kasalukuyan, ang CRMC ay nakakapagproseso ng 84 na samples araw-araw.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si CRMC Chief of Hospital Dr. Helen Yambao sa suporta ng UNFA at MOH-BARMM sa CRMC.

Ani Yambao, ang maagang pagtuklas ng mga kaso ng COVID-19 ay nangangahulugan ng napapanahong pamamahala at pag-isolate ng mga kaso upang maiwasan ang pagkalat ng nasabing virus.

Ang CRMC ay isa sa mga referral hospital ng COVID-19 at isa sa mga subnational laboratory ng Department of Health (DOH) sa Rehiyon Dose at BARMM.  (LTBolongon-PIA Cotabato City/With reports from BPI-BARMM).

 

 

 

 

 

 



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments