Tagalog News: Pagtutulungan ng LGU, pribadong sektor mahalaga vs COVID-19

CLARK FREEPORT ZONE, Pampanga, Setyembre 10 (PIA) -- Dapat palakasin ang pagtutulungan ng mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor upang mapagtagumpayan ang paglaban sa COVID-19.
 
Ito ang giniit ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Carlito G. Galvez Jr. sa pagbisita ng Coordinated Operations to Defeat Epidemic o CODE Team sa Gitnang Luzon kahapon.
 
Aniya, ang pundasyon ng National Action Plan ay unity of effort at unity of command. Ikalawa ang people’s participation.

Iginiit ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Carlito G. Galvez Jr. na dapat palakasin ang pagtutulungan ng mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor upang mapagtagumpayan ang paglaban sa COVID-19. (National Task Force Against COVID-19)

Kaya kinakailangan aniya na may maayos na relasyon ang mga mayor at techno parks. Ibig sabihin, kung ano ang ginagawa ng business sector dapat alam ng mayor. Kung ano ang nangyayari sa labas, alam din ni business sector.
 
Inalala ni Galvez ang naging pagbisita ng CODE Team sa Laguna noong nakaraang buwan kung saan 60 porsyento ng mga kaso ay mula sa mga kumpanyang nasa loob ng mga industrial at techno parks. 
 
Karamihan ng mga local transmissions aniya ay nagyari sa mga canteens, smoking areas, at shuttle services kung saan hindi mahigpit na ipinatutupad ang mga minimum health standards. (CLJD-PIA 3)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments