Tagalog News: Pinagandang heritage and public art ng Mendoza Park, pinasinayaan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Setyembre 23 (PIA) -- Idinaos ang inagurasyon sa pinagandang gazebo at heritage and public art ng People’s Amphitheater sa Mendoza Park, lungsod ng Puerto Princesa kahapon.

Ang nasabing proyekto ay pinondohan ng pamahalaang lungsod ng P9.9-milyon na sinumulan noong Oktubre 2019 at dapat sana ay matatapos noong Abril subalit nabalam dahil sa pandemya.

Sa mensahe ni Mayor Lucilo Bayron, kinilala niya ang Liwasang Mendoza bilang bahagi ng kasaysayan ng lungsod na dapat pahalagahan ng mga mamamayan sa kasalukuyan.

Pinasalamatan din niya ang mga unang namuno sa lungsod na siyang naging daan upang maipatayo ang kabuoan ng mga pasilidad sa lugar.

Ang tanghalan ng Mendoza Park ay itinayo noong 1970 sa panahon ng pamumuno ni dating OIC mayor Alfredo Abueg Jr. Ito na rin ang naging sentro ng mga gawain tuwing may mga pagdiriwang at kapiyestahan ng Puerto Princesa.

Noong dekada ’80, iniba ang istilo nito, kung saan nilagyan ito ng ‘sunken space’ na pinaikutan ng ng mga sementadong upuan upang maging lugar ng mga palaro at pagsasanay. (LBD/PIAMIMAROPA)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments