LUNGSOD NG BUTUAN, Setyembre 23 (PIA) - Kahit abala, lalo na ngayong pandemic, hindi nakaligtaang tumulong ng Agusan del Sur Police Provincial Office (ADSPPO) sa mga sektor na apektado ng krisis.
Katuwang ang Agusan Media Club, sila ay namigay ng relief goods sa mga persons with disability (PWDs) at padyak drivers.
“Ang husay ng kanilang ginawang pagtulong sa aming mga trisikad drivers. Malaking tulong ito sa aming pamilya,” ani ni Arcadio Duero, president ng San Francisco Trisikad Association, Incorporated.
"Malaki ang aming pasalamat at sadyang pinuntahan nila kami at binigyan ng ayuda. Maraming salamat din sa media na nakibahagi sa amin,” dagdag ni Achilles Bayano, isang PWD ng Brgy. Pisaan, San Francisco, Agusan del Sur.
Sinabi naman ni Police Senior Superintendent Ringo Zarzoso, na regular na nila itong ginagawa sa ibat-ibang barangay ng probinsya.
“Layon po ng ating kapulisan na makapagbigay-tulong doon sa mga nangangailangan ng lalo na ngayong panahon ng pandemya,” sabi ni Zarzoso.
Maliban naman sa pagbigay ng relief goods, may pa-ice cream din ang kapulisan sa mga kabataan. (JPG/PIA-Agusan del Sur)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments