Ginang na nandura sa bus, pinatalsik palabas ng lalaking kanyang dinuraan


LESSON LEARNED THE HARD WAY. Marahil aakma ang kasabihang ito sa babaeng pasahero matapos syang bigyan ng leksyon ng kapwa pasahero sa sinasakyang bus.

Dahil sa nararanasang krisis sa buong mundo sa kasalukuyan, pagsusuot ng mask ang isa sa mga ipinatutupad bilang pangunahing paraan ng pag-iingat upang makaiwas sa lumalaganap na sakit. 


Kaya naman nagkalat ngayon ang kwento ng hindi pagkakasundo ng ilan dulot ng hindi pagsunod ng iba sa napakasimpleng panuntunin na pagsusuot ng proteksyon.

Tulad na lang ng hindi inaasahang pangyayaring ito na labis na ikinagulat ng mga pasaherong nakasaksi at maging ng mga netizen na nakapanuod ng kumalat na video. 

Mapapanuod sa video ang isang ginang sa loob ng bus habang nakatayo ito at walang suot na mask. 


Tila may nakasagutan ang nasabing babae na isa sa mga pasahero. Maya-maya pa ay may dinuraan na ito. 


Ang sumunod na eksena ay labis na ikinabahala ng marami sapagkat tumayo ang isang lalaking naka-mask at pinagtutulak ang babaeng nandura. 


Maririnig sa video ang pag-awat sa lalaki ng iba pang mga pasaherong nasa bus ngunit bigo silang pakalmahin ang naagrabyadong lalaki.



Buong lakas na tinulak ng lalaki ang pasaway na ginang hanggang sa tumalsik ito palabas ng bus at napadapa sa kalsada.



Halatang nagitla ang mga nasa loob ng sasakyan ngunit hindi nila masisi ang lalaki sa ginawa nya dahil sa ipinakita ng babae na kawalan ng respeto nang duraan sya nito sa mukha. 

Makikita ang nanulak na pinupunasan ang kanyang mukha habang bumababa ang isang pasahero na nagpakita ng pag-aalala sa babaeng napatalsik ng 'di oras.


Paliwanag nya matapos tulakin ang babae palabas, "She spit on me!"

Tila hindi inakala ng nandura na ginang na magagawa iyon sa kanya ng naturang lalaki. 

Panuorin:




Source: Daily Sentry

Post a Comment

0 Comments