Hotline 8888, bukas 24/7 para sa mga katanungan ng publiko

LUNGSOD CALOOCAN, Okt. 23, (PIA) -- Bukas 24/7 ang Hotline 8888 para sa mga katanungan ng publiko, ayon sa anunsiyo ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan

Ayon sa ahensiya, ginawa ito upang mailapit sa mamamayan ang pamahalaan at maseguro ang tuloy tuloy na serbisyo publiko sa gitna ng pandemya na dulot ng COVID-19.

Ayon sa Kagawaran, sa pamamagitan ng kanilang mga Field Offices, kanilang tinutugunan ang mga katanungan o pangangailangan ng mamamayan sa pamamagitan ng 8888 Citizens’ Complaint Center.

“Sa 8888 hotline ay maaaring ireport ng mamamayan ang mga corrupt na gawain sa mga pamahalaang tanggapan at mga hindi maaayos na “frontline service delivery,” pahayag ng ahensiya.

Iniulat ng Kagawaran, na mula Marso hanggang Setyembre, 2020 sila ay nakapagproseso ng  12,905 tiket para sa iba’t ibang kahilingan, mga tanong at mga reklamo mula sa publiko.

Karamihan o abot sa, 7,600 na mga tiket o reklamo/katanungan ay tungkol sa cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP), mga iregularidad sa lokal na pamahalaan at mga katanungan tungkol sa paglabas ng mga subsidiyang pinansiyal ng mga wait-listed na pamilya..

Mula noong Marso, ang Citizens’ Complaint Center ay napapanatili ang hundred percent referral rate kahit may pandemya. Maliban sa mga nirerespondehang mga tawag, tumatanggap din sila ng mga walk-in na kliyente.

Hinihikayat  ng Kagawaran ang publiko na patuloy  na gamitin ang hotline na 8888 at iba pang grievance platform sa kanilang mga reklamo at upang agarang maaksyunan ang kanilang mga hinaing at upang makapagbigay ng agarang katugunan. (DSWD/PIA-NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments