LUNGSOD PASIG, Okt. 2 (PIA) – Nananatiling suspendido ang Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme sa Metro Manila, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Nitong Huwebes, Oktubre 1, inihayag ni MMDA Chair Danilo Lim sa kanyang Facebook page na suspendido pa rin ang number coding scheme habang nananatiling nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila at limitado pa rin ang mga pampublikong sasakyan.
Samantala, suspendido pa rin ang truck ban upang hindi maantala ang delivery ng cargo sa Luzon ngayong GCQ.
Paalala rin ni Lim na mag-ingat sa pagmamaneho at patuloy na sundin ang minimum health standards kung lalabas ng mga tahanan upang makaiwas sa sakit na dala ng COVID-19. (MMDA/PIA-NCR)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments