Pagbaha, pagguho ng lupa, naitala sa 3 bayan ng Cagayan

Ayon sa tala ng RDRRMC, umabot na sa 1,138 na pamilya ang apektado sa pagbaha at pagguho ng lupa sa mga bayan ng Sta Praxedes, Claveria at Sanchez Mira.

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Oktubre 25 (PIA) - - Tatlumpung barangay ang nakaranas ng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga bayan ng Sta. Praxedes, Claveria at Sanchez Mira sa lalawigan ng Cagayan dahil sa bigat ng buhos ng ulan dahil sa 'frontal system'.

Ayon sa ulat ng RDRRMC Region 2, umabot sa 1, 138 na pamilya na binubuo ng 4, 884 na katao ang naapektuhan ng matinding ulan.

Umabot naman sa 338 na pamilya ang lumikas sa mga evacuation center at sa kani-kanilang mga kamag-anak at kapitbahay na may matitibay na bahay.

Pinaghahanap na ngayon ng rescuers ang isang 60 taong gulang na lalaki na hindi na nakabalik sa kanilang tahanan matapos nitong ilikas ang kanyang alagang baka sa mas ligtas na lugar.

Agad namang nagsagawa ng clearing operation ang mga otoridad sa mga daanang natabunan ng pagguho ng lupa.

Ayon kay Sta. Praxedes Mayor Esterlina Aguinaldo nanatiling sarado ang daang maharlika sa parte ng Claveria papasok sa kanilang bayan.

Mismong si Aguilando ang nagsagawa ng inspekyon sa mga daanang natabunan ng landslide.

"Cleared na yung mga daan sa amin palaBas ng Ilocos Region pero yung sa Claveria part ay nililinis palang," pahayag ni Aguinaldo.

Aniya namahagi na rin sila ng mga relief good sa mga pamilyang apektado ng pagbaha at patuloy ang pa ang monitoring sa epEkto ng tuluy-tuloy na pag-ulan sa lalawigan. (MDCT/OTB/PIA 2-Cagayan).



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments