Tagalog News: Science and technology research development lalong pinalalakas sa BARMM

LUNGSOD NG COTABATO, Okt. 29 (PIA) – Lalo pang pinalalakas sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), sa pamamagitan ng Ministry of Science and Technology (MOST), ang science and technology research development.

Kaugnay nito, kamakailan ay isinagawa ang Inter-Ministry Consultation and Workshop for Science and Technology Framework na nilahukan ng mga kawani mula sa iba’t-ibang mga ministry at tanggapan ng BARMM.

Ayon kay MOST-BARMM Minister Engr. Aida Silongan, ang aktibidad ay naglalayong mangolekta at magtipon ng datos upang bumuo ng science and technology framework at research development framework para sa pamahalaan ng Bangsamoro.

Dagdag pa ni Silongan na pinalalakas ng MOST ang pagsisikap na maisulong ang science and technology sa kabila ng mga limitasyon at paghihigpit dahil sa banta ng coronavirus disease (COVID) 19.

Sa kabilang banda, binigyang-diin ni MOST Executive Assistant Suharto Abas ang kahalagahan ng science and technology upang matulungang mapabuti ang ekonomiya, lalo na sa rehiyon ng Bangsamoro.

Nabatid na plano rin ng MOST-BARMM na magsagawa ng kahalintulad na aktibidad upang higit na mapahusay pa ang pagsasaliksik ng bawat ministry at tanggapan sa rehiyon. (LTBolongon-PIA Cotabato City/With reports from BPI-BARMM).



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments