Binuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 20 ruta sa Metro Manila para sa pagbiyahe ng 2,428 UV Express units simula ngayong araw (Nob. 2, 2020).
Base sa inilabas na Memorandum Circular No. 2020-066, maaaring bumiyahe ang mga roadworthy PUVs na may valid at existing Certificate of Public Convenience (CPC) o Application for Extension of Validity, at kinakailangang nakarehistro sa Personal Passenger Insurance Policy ang bawat unit sa mga rutang nakapaloob sa MC.
Bagamat pinapayagang bumiyahe ang mga naturang UV Express Units nang walang special permit, mayroong QR Code na ibibigay sa bawat operator na dapat ilagay sa short bond paper at ipaskil sa PUV. Mada-download ang QR Code mula sa official website ng LTFRB (https://ltfrb.gov.ph/).
Ang mga sumununod na ruta ay binuksan na batay sa MC:
N38 Karuhatan - North Road Rail Station Terminal (NRRS) (Trinoma)
N39 Karuhatan-SM North EDSA/Trinoma
N40 Robinson's, Novaliches - Vito Cruz
N41 Robinson's Place, Novaliches - Buendia
N42 Rosario (Pasig) - McKinley Hills (Taguig)
N43 San Bartolome - MRT (North Ave.)
N44 San Roque (Marikina)- Commonwealth Market
N45 SM Fairview - Buendia
N46 SM Fairview - T.M. Kalaw via Commonwealth
N47 SM North C.I.T. - T.M. Kalaw
N48 SM South Mall - Quiapo
N49 Southmall - Lawton
N50 Sto. Niño (Marikina) - Ayala
N51 Sto. Niño (Marikina) - Ortigas Center
N52 Sucat (Parañaque) - Lawton (Park 'N Ride)
N53 Tandang Sora (Visayas Ave.) - T.M. Kalaw
N54 Trinoma Mall - Robinsn's Mall, Novaliches via Commonwealth
C62 Rodriguez (Montalban) - Araneta (Cubao)
C63 Rodriguez - Cubao
C64 Montalban Central Terminal - Cubao Central Terminal
Muling pinapaalala ng ahensya na walang ipatutupad na taas-pasahe sa mga naturang UV Express, maliban na lang kung ipinagutos ito ng LTFRB.
Dagdag pa riyan, istriktong ipatutupad ang mga sumusunod na “7 Commandments” sa lahat ng pampublikong transportasyon, na ayon sa rekomendasyon ng mga health experts: 1) Laging magsuot ng face mask at face shield; 2) Bawal magsalita at makipag-usap sa telepono; 3) Bawal kumain; 4) Laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation sa mga PUV; 5) Laging magsagawa ng disinfection; 6) Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19 sa pampublikong transportasyon; at 7) Laging sundan ang panuntunan sa physical distancing (“one-seat apart” rule).
Pinapaalala rin ng LTFRB sa mga UV Express operators at drivers na sundin ang mga patakaran ng ahensya. Ang sinumang mahuli na lalabag sa mga probisyon ng MC ay papatawan ng kaukulang parusa, tulad ng pagmumulta at pagkatanggal ng kanilang ng CPC o PA.
Narito naman ang bilang ng mga ruta na binuksan sa loob at labas ng Metro Manila at bilang ng mga PUV na bumibiyahe sa mga naturang ruta simula noong ipatupad ang General Community Quarantine noong 01 Hunyo 2020:
1. TRADITIONAL PUBLIC UTILITY JEEPNEY (PUJ)
Bilang ng mga rutang binuksan: 371
Bilang ng authorized units: 33,163
2. MODERN PUBLIC UTILITY JEEPNEY (PUJ)
Bilang ng mga rutang binuksan: 48
Bilang ng authorized units: 865
3. PUBLIC UTILITY BUS (PUB)
Bilang ng mga rutang binuksan: 35
Bilang ng authorized units: 4,499
4. POINT-TO-POINT BUS (P2P)
Bilang ng mga rutang binuksan: 34
Bilang ng authorized units: 387
5. UV EXPRESS
Bilang ng mga rutang binuksan: 118
Bilang ng authorized units: 6,755
6. TAXI
Bilang ng authorized units: 20,964
7. TRANSPORT NETWORK VEHICLES SERVICES (TNVS)
Bilang ng authorized units: 25,068
8. PROVINCIAL PUBLIC UTILITY BUS (PUB)
Bilang ng mga rutang binuksan: 14
Bilang ng authorized units: 305
9. MODERN UV Express
Bilang ng mga rutang binuksan: 2
Bilang ng authorized units: 40 (LTFRB/PIA-NCR)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments