LUNGSOD PASIG, Nob. 2 (PIA) -- Balik-operasyon na muli ang LRT-2 nitong Martes, Nobyembre 2, matapos pansamantalang isuspinde ang operasyon nitog Lunes bunsod ng Bagyong Rolly kung saan itinaas ang Signal No. 4 sa Metro Manila.
Sa anunsyo ng LRT-2 nitong umaga sa kanilang Facebook page, apat (4) na tren ang tumatakbo at may 10 minutong average headway.
Gayundin, light volume o katamtaman ang mga pasaherong namataan sa mga istasyon.
Samantala, patuloy pa rin ang paalala ng pamunuan ng LRT-2 na palagiang ingatan ang mga sarili at sumunod sa mga health and safety protocols, gaya ng physical distancing, pagsusuot ng face mask at face shield, at iba pa upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na COVID-19.
Habang sinusulat ang balitang ito ay nasa ilalim pa rin ng Signal #1 ang Metro Manila. (LRT-2/PIA-NCR)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments