PNP Chief sa NPA: Huwag guluhin ang 'Rolly' relief operations sa mga apektadong lugar

LUNGSOD PASIG, Nov. 2 (PIA) -- Nanawagan si Philippine National Police (PNP) Chief General Camilo Pancratius Cascolan sa mga miyembro ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa mga lugar na tinamaan ng Bagyong Rolly na huwag guluhin ang mga rescue at relief operations ng pulis at militar.

Sa ulat ng Radyo Pilipinas 738 kHz ngayong araw, hinimok ni Cascolan ang mga rebelde na makipagtulungan na lang sa mga awtoridad para sa kapakanan ng mga komunidad na lubhang naapektohan ng bagyo.

Ayon sa PNP chief, double time ngayon ang pulis at militar para maibalik sa normal ang buhay ng mga mamamayan sa lalong madaling panahon alinsunod na rin sa kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakipag-coordinate na rin aniya ang PNP sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa equipment na kailangan sa clearing operations.

Mayroon na rin aniyang mga grupo sa pribadong sektor na nangako ng construction materials para sa rebuilding ng mga nasirang istraktura.

Sa ngayon aniya ay nagsasagawa ng shifting ang kanilang mga tropa sa mga nasalanatang lugar, upang hindi masyadong mapwersa ang kanilang mga tauhan, lalu pa’t may inaasahan pang paparating na panibagong bagyo. (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments