Mayor Vico, hinikayat ang mga taga Pasig sa libreng covid testing

Pasig City Mayor Vico Sotto. (PIA-NCR file photo)

LUNGSOD PASIG, Nob. 2 (PIA) -- Hinihikayat ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang mga taga lungsod na tanggapin ang libreng testing para sa COVID-19.

Kapag inalok tayo ng Lungsod ng LIBRENG TESTING, tanggapin na natin agad. Huwag lamang ang sarili nating kapakanan ang isipin kundi ang kapakanan din ng iba,” ayon kay Mayor Sotto sa kanyang Facebook page. 

Ayon sa pamahalaang lungsod, target sa PCR pool testing, sa tulong ng Project Ark, ay 1,000 market vendors, 1,000 public transport drivers, at 1,000 food handlers na randomly pipiliin base sa database ng lungsod.

Hiningi rin ni Sotto ang pang-unawa ng mga taga lungsod lalo na para sa kanilang kabutihan at ng iba pa.

“Naiintidihan ko po yung concern nung iba na mawalan sila ng kita habang may covid sila... Pero sana isipin po natin na kung positive tayo at wala lang sintomas, maaaring may nahahawaan tayo...tatagal ang pandemya... may posibilidad na ok ka lang, pero mamamatay ang mahahawaan mo...”

Nabanggit din ni Mayor Sotto ang kahalagahan ng testing upang mapabagal din ang pagkalat ng virus at makakatulong sa muling pag-unlad ng ekonomiya.

Para lumakas din ulit ang palengke, mabawasan ng restrictions sa mga kainan, at payagan na rin ang full capacity sa pampublikong transportasyon? Pag-isipan natin nang mabuti... at sana maunawaan din natin na kung tanggihan niyo ang libreng test, mas lalo pa namin kayong pipilitin na magpa test... Para sa atin lahat din naman po ito,” paliwanag ni Sotto. (PIA-NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments