LUNGSOD CALOOCAN, Nob. 14 (PIA) -- Upang matiyak ang kaligtasan ng mga Makatizen sa paggamit ng mga ito ng mga covered court sa mga paaralan at barangay ng Makati City, ipinag-utos ni Mayor Abby Binay ang pag-inspeksyon at pagkumpuni sa mga naturang imprastraktura.
Kaugnay nito, nagsagawa ng ocular inspection ang mga kawani ng Department of Engineering and Public Works (DEPW) sa mga covered court ng Rizal, Pembo, at Tibagan.
Kasunod naman nilang bibisitahin at aayusin ang mga covered court ng South Cembo, Pitogo, Guadalupe Nuevo, at Guadalupe Viejo.
Unang inaksyunan ngayong araw ang mga tumatagas na tubig sa bubong ng Rizal Covered Court at Pembo Covered Court.
Patuloy naman ang pampublikong serbisyo ng mga lingkod bayan ng lungsod para sa kapakanan ng bawat Makatizen.
Magugunitang mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga covered court ng lungsod.
Bukod sa lugar ng mga pagtitipon at pinagdadausan ng mga aktibidad pangpalakasan, ginagamit din ang mga covered court bilang evacuation areas sa panahon ng kalamidad. (PIA NCR)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments