Malasakit Center sa Caloocan bukas na

LUNGSOD CALOOCAN, Nob. 7 (PIA) -- Bukas na ang pinakabagong Malasakit Center na matatagpuan sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital, Tala, Caloocan City.

Pinangunahan nina Senator Christopher "Bong" Go, Presidential Assistant to the Visayas Secretary Michael Lloyd Dino, Caloocan City Mayor Oscar "Oca" Malapitan at First District Representative Dale "Along" Malapitan ang inagurasyon ng Malakit Center nitong Biyernes, ang ika-90 sa buong bansa.

Ayon kay Go, ang Malasakit Center ay itinatag sa Lungsod Caloocan upang makatulong sa mga residente ng lungsod na nagangailangan ng tulong sa pagpapagamot at financial assitance.

"Hiniling natin ito kay Senator Bong at dahil gusto rin niya na makatulong sa mga taga-Caloocan kung kaya't kaagad din itong ibinigay sa atin," ani Mayor Oca.

Lubos din ang pasasalamat ni Mayor Oca kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa paglalaan ng opisina nito ng P5-milyong  pondo buwan-buwan para sa Malasakit Center.

Nauna na ring nagbigay ang senador ng P5-milyon sa turn-over ceremony na ginanap nito Biyernes.

Ang Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital sa Tala ay isang tertiary hospital na siniserbisyuhan ang mga residente ng Caloocan at Bulacan. (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments