PASIG, Nob. 23 (PIA) – Nagpaabot ng pasasalamat si Pasig City Mayor Vico Sotto sa mga establisyemento sa lungsod na gumagamit ng Pasig Pass – ang digital contact tracing solution ng lungsod.
“Salamat sa mga mall at iba pang establisyementong gumagamit na ng #PasigPass, ang digital contact tracing solution ng Lungsod Pasig,” pahayag ni Mayor Sotto sa kaniyang Facebook page.
Ayon kay Sotto, nauna nang nagpatupad ang SM Hypermart at SM East Ortigas.
Idinagdag pa ng alkalde na sa pamamagitan ng Pasig Pass ay mas mapapabilis at ligtas ang data ng magrerehistro.
“SAY GOODBYE TO FILLING UP CONTACT TRACING FORMS!!! Sa Pasig Pass, mas mabilis, mas ligtas, at makatitiyak ka pang mas secure ang data mo.”
Para makapag download ng QR code, bisitahin lamang ang pasigpass.pasigcity.gov.ph.
Nitong Oktubre, ipinatupad ang paggamit ng Pasig Pass para makapasok sa city hall at iba pang tanggapan ng pamahalaang lungsod. (Pasig City/PIA-NCR)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

0 Comments